"Halaga"

16 0 0
                                    

Nagsisisi,
Bakit nung tayo pa'y 'di nasabi
Bakit nung tayo pa'y 'di nagawa
Bakit nung tayo pa'y 'di ko naparamdam.

Sa taong pinakaminahal ko pa.
Sa taong mahal na mahal ko pa.
Kahit na ngayon ay may mahal ng iba.
Kahit ngayon ang lahat ay huli na.

Alagaan mo siya,
mahalin mo siya ng todo.
Kagaya ng ginawa mo..
Sa'kin nung tayo pa.

Bigyan mo siya ng halaga.
Ihatid sundo mo siya.
Mag effort ka sakaniya.
At protektahan mo siya.

Gawin mo sakaniya.
Lahat ng 'di mo na gawa
Sa akin nung tayo pa.

Okay lang na
Gawin mo lahat kung kinakailangan.
Kahit hindi sa'kin.
Kahit para sa kaniya.

Ang mahalaga ay ang masaya ka.
Kahit hindi sa piling ko.
Kundi sa piling niya.

Mahal na mahal parin kita.
Sana'y maging masaya ka.
Sana'y pahalagahan ka niya.
'Di tulad ng di ko nagawa.

Unspoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon