Magmula ng nasa tiyan,
Hanggang sa isinilang
Ako'y minahal mo ng tama
At iyong inalagaan.Tanggapin mo sana..
Ang akin munting talinhaga
na ginawa para sa isang dakilang ina. :)Nais kong iparamdam sayo ang aking pasasalamat.
Pagsosorry sa mga ginawa na hindi naman dapat.Sa pagtyatyaga't pag aalaga,
Sa mga sakripisyong ginawa.
Oh aking ina,
Ikaw talaga ay dakila.Ikaw ang nagsilbing ama at ina sa akin.
Nagsilbi ring matalik na kaibigan na aking pinagkakatiwalaan.Nagsilbing guro,
Na nagtuturo ng kabutihan.
At nagsilbing doktor, kung ako'y may karamdaman.Nagsilbing ilaw ng tahanan kapag ako'y may pangangailangan.
Ano pa ba ang akin hihilingin?
Kung lahat ng pangangailangan namin ay iyong tutuparin.Napakaswerte namin na magkaroon ng isang nanay na katulad mo.
Wala na kaming ibang hiling kundi ang presensya mo.Mga pawis na binuhos saakin mula pa nung una.
Nais kong suklian sa abot ng aking makakaya.Gagawin ko rin ang lahat ng mga ginawa mo.
Hanggang sa pagtanda ikaw ay aalagaan ko.Nais kong iparating sayo,
Na mahal kita ma ng buong puso.
Aking pinapahalagahan ang iyong mga ginawa.Nais ko at sana,
Na hindi kana mawala pa.
At manatiling magkasama,
Tayong pamilya.Buo at masaya.
Nagmamahalan.
At siempre kasama ang aming dakilang ina.