"Pangarap lang kita."

4 0 0
                                    

Ayan na papalapit ka na.
May dala dalang rosas na kulay pula.
Sa bawat hakbang mo ako'y kabado na.
Ramdam kong dibdib ko'y kumakabog na.

Inabot mo sa'kin ang pulang rosas.
Sa sobrang kilig para akong nakaposas
Muntik na akong naihi dahil sa labi mong kulay mansanas.
Oh jusmiyo! Pwede bang wala nalang bukas?

Hinawakan mo ang aking pisngi agad.
Ramdam ko pa ang init at ang lambot ng iyong palad.
Ng ako'y mapatitig sa iyong mata.
Oh ang ganda parang ako'y lilipadin na.

Hanggang sa ako'y pumikit na dahil alam ko kung ano ang mangyayari pa.
Papalapit na ng papalapit ang mga labi natin ng bigla..

"Anak anong oras na! gumising kana!"
Okay na sana, kaya lang ginising ako ni mama.
Malayo pala sa realidad ang lahat ng ito.
Dahil panaginip lang pala, pangarap lang pala kita.

Unspoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon