Ang daming nakasulat sa libro ng ating storya,
Halos lahat ng pahina ay napuno na.
Pero ang hirap nitong intindihin sapagkat,
Wala itong pamagat.Hindi alam ang takbo ng istorya,
Malabo ang mga nagaganap na eksena.
Kaya ang hirap talagang umasa.
Na meron, meron pang pag asa.Pag asang, magkaroon ng salitang tayo.
Kaya lang parang tila ba napakalabo
Kasi kuntento ka nang ganito tayo.Label ba kamo?
Wala, kasi walang tayo.
Kaya hindi mo malaman laman ano ba kasi talaga ang meron tayo?Parang punong librong walang pamagat.
Lahat ng nakasulat ay tila hindi sapat
Sa mga mambabasa at nakakakita sa ating dalawa.Ano nalang ang sasabihin ng iba?
Na ako nalang ang nagmamahal sa ating dalawa?
Dahil ako lang ang may alam na tayong dalawa pala?Ang hirap,
Sobrang hirap ng walang pamagat.
Kasi kala nila wala lang saatin ang lahat.Laro laro lang at walang seryosohan.
Di nga kita matawag na pag aari ko lang.Wala akong karapatan na tawagin kang akin.
Ni hindi ko nga masigaw sa buong mundo
Na mahal kita kasi wala naman talagang tayo.Para akong blangkong papel,
Kahit anong gawin
Kahit isulat mo man ng iyong ballpen.
Di ko parin makita ang salitang akin.