"Tanging Dahilan"

10 0 0
                                    

Ayoko ng sumugal ulit.
Ayoko munang ipilit.
Dahil andito pa ang pait.
Ramdam ko pa rin ang sakit.

Kaya kung tatanungin mo'ko kung bakit.
Hindi ko magawang sumubok ulit.
Ito ay dahil sa ang sakit-sakit.
Maalala lahat ng paulit-ulit.

Tila ba parang pinapatay ako ng paulit ulit.
Ng mga alaala nating mapapait.
Mga oras na nagmamakaawa ako sayo at nangungulit.
Pero di ka man lang nakinig.

Sabihin mo sakin kung bakit?
Salitang mahal kita ay hindi mo masambit?
Bakit ako ay agad agad na may kapalit?
Ako lang ba ay ginamit?

Pero hindi ako nagalit.
Kasi alam kong ako nalang ang nakakapit.
Dahil may ibang sumabit
Sa relasyon nating nanlalamig.

Kaya sana alam mo na kung bakit.
Ako'y ayoko na sayo'y umulit.
Hindi dahil sa hindi na kita iniibig
Ngunit dahil sa takot na akong umibig at masaktan ng paulit ulit.






Unspoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon