CHAPTER FIVE

7.7K 180 6
                                    


"DAMN!" Pinalo ni Darrel ang ibabaw ng mesa. Ilang araw na siyang hindi makapag-focus sa trabaho dahil wala sa apat na sulok ng opisina niya ang kanyang isip kundi na kina Allie at Roy. Bakit ba kasi siya nakakaramdam ng selos gayong wala siyang karapatang pagselosan si Roy? His friends once asked him if he and Allie were dating. Isang malinaw na "hindi" ang isinagot niya. So, he didn't have the right to act and feel jealous. Huminga siya nang malalim at saka siya pumikit nang matagal.

"Focus, Darrel. Focus," pagkausap niya sa sarili.

"Yeah. You should focus. Ilang araw ka nang wala sa sarili."

Napadilat siya at nakita niya sina Jared at Humphrey sa loob ng opisina niya. "How the hell did you get in without my consent? Hindi man lang ako inabisuhan ng sekretarya ko."

"For your information, pare, kanina pa tumatawag ang sekretarya mo. Hindi mo sinasagot ang intercom mo kaya pumasok na lang kami. And for your information uli, mahigit limang minuto na kaming nakatayo rito pero hindi mo pa rin kami napapansin," paliwanag ni Jared.

Nasapo niya ang kanyang noo at saka siya umiling. Ganoon na ba talaga ang epekto sa kanya ni Allie?

"What's happening to you? Iyan ba ang epekto sa iyo ng latest issue sa inyo ni Allie?" usisa ni Humphrey.

"Wala 'to," pagkakaila niya. "Stressed lang ako sa trabaho."

"You can deny all you want, pare. Pero kilala ka namin. Alam namin ang totoong dahilan ng ipinagkaka-ganyan mo," sabi uli nito.

Sumandal siya sa swivel chair at saka niya bahagyang hinilot ang kanyang sentido. "Please, I'm sure you didn't come here just to act like showbiz reporters. I don't have time for intrigue."

"Is it about Roy showing his interest in Allie?" tanong ni Jared na tila walang narinig sa sinabi niya.

"Look, I don't care about them. I don't mess up with somebody else's affairs," naiinis nang sagot niya.

Hindi nagsalita ang mga ito; bagkus ay mataman lang na tumitig sa kanya.

"What?" nagpipigil pa rin ng inis na sabi niya.

"Wala naman. Hindi ka nga okay," sabi Humphrey. " Anyway, kaya kami pumunta rito kasi magpapa-book kami ng flight papunta sa Seoul, South Korea."

Tinawag niya ang sekretarya niya at saka niya inutusan ito na asikasuhin ang dalawang kaibigan niya. Pagkatapos ng business transaction ng dalawa ay nagpaalam na sa kanya ang mga ito.

"We have to go. Marami pa kaming gagawin. And in case you're interested to know, tinanggap na ni Roy si Allie as his personal secretary," pahabol na sabi ni Jared.

"Aalis na kami, pare. Have a nice day!" tila nang-aasar pang sabi ni Humphrey.

Magkasunod nang lumabas ang mga ito ng opisina niya.

"Shit!" malakas na pagmumura niya. Pinapatay na yata talaga siya ng selos.

HINDI maitago ni Allie ang saya ngayong may trabaho na siya. Isang malaking biyaya para sa kanya na natanggap siya sa kompanya ni Roy. Hindi niya alam na ito pala ang may-ari ng isa sa mga kompanyang pinasahan niya ng resume. She felt important nang ito pa ang personal na pumunta sa kanya para ipaalam na tanggap na siya sa trabaho. Ngayon nga ay siya na ang executive assistant nito. Laking pasasalamat niya dahil nabigyan siya ng magandang oportunidad. Patutunayan niya rito na hindi ito nagkamali sa pagkuha sa kanya.

"Are you enjoying your job?" tanong nito sa kanya.

"Of course, Sir. I've been waiting for this opportunity," sagot niya. 

The Tanangco Boys Series 1:  Darrel James LucianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon