DINALA ni Roy si Allie sa isang Italian restaurant. Nang tanungin siya nito kung anu-ano ang mga nais niyang kainin ay sinabi niyang ito na lamang ang bahalang um-order ng mga pagkain nila. Naging masaya ang dinner nilang iyon. Mababanaag sa mga mata nito ang saya. Dahil doon ay masaya siya na kahit paano ay nakatulong siya rito. Hindi na ito iba sa kanya dahil isang malapit na kaibigan na ang turing niya rito.
"Thank you for doing this for me, Allie. It really means a lot to me."
"Walang anuman. Kaibigan kita. I'll help you any way I can."
"Sana, hindi ito ang huling beses na makasama kita sa pagdi-dinner."
Ngumiti siya. "Kung hindi ako busy, walang problema."
"Can I ask you something?" seryosong tanong nito.
"Oo naman. Ano 'yon?"
"Kayo na ba ni Darrel?"
Bahagya siyang nagulat sa tanong nito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dahil maging siya ay hindi alam ang dapat na isagot. Bigla siyang napaisip kung ano nga ba ang talagang namamagitan sa kanila ni Darrel. Kung siya ang tatanungin, espesyal ito sa kanya. Pero wala namang sinasabing anuman si Darrel sa kanya though he made her feel special as well. Pero hanggang doon lang iyon.
Napabuntong-hininga siya. Parang nangangapa pa rin pala siya sa dilim. "I-I don't know," sagot na lang niya.
Kumunot ang noo nito, tila naguluhan sa sagot niya. Hindi niya masisisi ito dahil maging siya ay naguguluhan din. "You don't know? Wala ba siyang sinasabi sa 'yo?"
"Wala. We go out. And that's it."
"If the two of you aren't together, then, I want to try."
"Try what?"
"Courting you."
Napipilan siya sa sinabi nito. "Roy... I..."
"Nagulat ba kita?" tila nahihiyang tanong nito. "I know how you feel. But believe it or not, I feel the same way, too. Hindi ko alam na espesyal na ang nararamdaman ko sa 'yo. At first, ang plano ko ay ligawan ka para lang pagselosin si Darrel at para aminin niya ang totoong feelings niya para sa 'yo. But that night, when I brought you your résumé, I was trapped by your angelic beauty."
Hindi niya alam kung paano niya ia-absorb ang lahat ng mga sinabi nito. She appreciated everything he said. Pilit na kinakapa niya sa kanyang puso kung naroon ang kakaibang kaba at kilig na nararamdaman niya kapag si Darrel ang kasama niya. Pero hungkag sa ganoong klaseng pakiramdam ang kanyang puso. "Roy... I-I don't know what to say. I didn't expect this," pag-amin niya.
"Do you love him?" tanong nito. Hinawakan nito ang isang kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
Hindi pa siya nakakasagot ay may tumawag na rito.
"Roy, pare!"
Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita nila sina Ken at Victor. Lumapit ang mga ito sa kanila. Kapwa sumulyap ang mga ito sa mga kamay nila ni Roy. Binawi agad niya ang kanyang kamay.
"Wow! Mukhang date 'to, ah!" panunudyo ni Victor.
"It's not what you think," depensa niya.
"What's going on?"
Bumilis ang tibok ng puso niya pagkarinig sa boses ni Darrel. Kinabahan siya. Baka isipin nito na may namamagitan na sa kanila ni Roy. Tiningnan niya ito.
BINABASA MO ANG
The Tanangco Boys Series 1: Darrel James Luciano
RomanceNang dahil sa naudlot na kasal ni Allie ay mas pinili niyang lumayo. Sa tulong ng matalik niyang kaibigan ay natagpuan niya ang katahimikang hinahanap niya at unti-unti ay nakalimutan niya ang masaklap na kapalaran sa buhay pag-ibig. Pero ginulo na...