CHAPTER EIGHT

6.5K 156 3
                                    

DAHAN-DAHAN siyang pumikit. Hinintay niyang lumapat sa mga labi niya ang mga labi ng lalaking pinakamamahal niya, ang lalaking kay tagal na niyang hinintay at muling nagpatibok sa puso niya. Naramdaman niya sa init ng halik nito ang pagma-mahal sa kanya. Ano pa nga ba ang mahihiling niya? Naglandas na ang mga luha sa kanyang mga mata. Tears of joy, as they called it.

"I love you, Allie," masuyong sabi nito.

Ilang saglit pa nilang pinagsaluhan ang halik na iyon nang maramdaman niyang unti-unting lumayo ang mga labi nito sa mga labi niya. Ngumiti siya nang matamis bago dahan-dahang dumilat. Nagtama ang mga mata nila ng lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso. Binigyan siya nito ng matamis na ngiti.

"Darrel... Mahal din kita."

"Sweetheart, wake up!"

Nagising si Allie nang maramdaman niyang may yumuyugyog sa balikat niya. Nang magsalita uli ang may gawa niyon ay napangiti siya. Kahit nakapikit pa siya ay alam niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Kilalang-kilala iyon ng puso niya. Pagdilat nga niya ay ang guwapong mukha ni Darrel ang bumungad sa kanya.

"It's you," pabulong na sabi niya.

"What?"

"Ikaw 'yon."

"Ang alin?"

"Iyong lalaki sa panaginip ko. Mula nang lumipat ako rito sa Tanangco, madalas ko na siyang napapa-naginipan. Noong una ay malabo ang mukha niya kaya hindi ko siya makilala. Kanina ay nanaginip uli ako. At ikaw ang lalaki sa panaginip ko."

Hinalikan siya nito. "I should feel lucky, I guess. Matagal mo na pala akong pinagnanasaan sa panaginip mo."

Natawa siya, saka pabirong hinampas ito sa balikat. "Loko ka talaga!"

"Joke lang," sabi nito. "Kidding aside, I think I really should feel lucky. Fate brought you to Tanangco. And I think fate has brought us together, as well."

Ngumiti siya bago niya hinalikan ito sa mga labi. "I know. Kaya pala sa sandaling panahon ay minahal na agad kita."

"I love you."

"I love you, too."

"We have to keep moving," sabi nito.

Tumingin siya sa labas ng kotseng sinasakyan nila. Noon lang niya napansing nasa Baguio na pala sila at nakatulog siya habang nasa biyahe. Mag-aalas-sais ng umaga sila umalis kasama ang iba pa nilang katrabaho. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang mga tanawing nadaraanan nila. Kahit paano ay natuwa siya. Saka lang niya na-realize na na-miss niya ang kinalakihang lugar. Matagal na rin ang lumipas mula nang lisanin niya iyon para takasan ang mapait na kahapon.

Sa isang hotel sila tumuloy ni Darrel kasama ang mga technician na mag-i-install ng POS machines sa supermarket na pag-aari ng kanyang nobyo. Magka-hiwalay sila ng kuwarto. Habang nagpapahinga ay naisipan niyang puntahan sandali ang Tita Beth niya. Malapit lang ang tinutuluyan nilang hotel sa bahay nito. Minabuti niyang hindi na magpaalam kay Darrel dahil hindi pa rin siya sigurado kung kaya na niyang sabihin dito ang tungkol kay Jesse. Nang nagdaang gabi ay sinabihan uli siya nina Olay at Roy na sabihin na kay Darrel ang lahat. Sinubukan na rin niyang gawin iyon pero tuwina ay lagi na lamang siyang pinangungunahan ng pag-aalala na baka hindi maintindihan nito kung bakit hindi agad niya sinabi rito ang tungkol doon.

Nang nasa harap na siya ng bahay ng Tita Beth niya ay inatake siya ng nostalgia. Isa-isang nanumbalik sa kanya ang lahat ng mga nangyari. Tinitingnan siya ng mga tao sa paligid na waring nakilala siya ng mga ito. Patunay roon ang mga narinig niyang pagbubulung-bulungan ng mga ito.

The Tanangco Boys Series 1:  Darrel James LucianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon