CHAPTER SIX

6.7K 162 3
                                    

"LAGI mo bang ginagawa ito?" tanong ni Allie kay Darrel. Nasa likod sila ng mesa habang namimigay ng mga pagkain sa mga nakapilang bata.

"Once a month," kaswal na sagot nito.

"Bakit?" manghang tanong niya.

"Simply because I want to help them. Alam kong hindi sapat ang feeding program na ito para mabago ang buhay nila. But at least, nakakatulong ako kahit paano. I just want to share my blessings with those who are in need," he answered with fondness in his eyes.

Pagdating nila sa Payatas ay labis ang pagtataka niya kung bakit doon siya dinala nito. Noong una ay inakala pa niyang dadalhin siya nito sa isang romantic place. Hindi naman siya nanghinayang, nagulat lang talaga siya dahil ni sa hinagap ay hindi niya inakalang nagkakawanggawa ito. Karamihan sa mga kakilala niyang rich boy ay walang inatupag kundi ang mag-travel at mambabae. Pero hindi kabilang si Darrel sa mga iyon.

Lalong nadagdagan ang paghangang nararamdaman niya para dito. Ibang-iba pala ang totoong ugali nito sa unang impresyon niya rito. He wasn't the typical bachelor. He had the kindest heart. Hindi niya kailanman nakitaan ito ng pagkailang o pandidiri sa mga batang halos ay dumikit na rito. Bagkus ay pawang kasiyahan at pagmamahal pa ang nakikita niya sa mga mata nito.

"Alam mo ba ang nararamdaman ko kapag nakikita ko ang tuwa sa mga mukha nila? When they hardly stop saying 'thank you.' It's a priceless feeling. It's way better than winning a lottery."

"Amazing," humahangang sabi niya.

"What?"

"You. You're amazing. I never thought you can do something like this." Titig na titig siya sa maamo at guwapong mukha nito.

"Thank you."

"No. Ako ang dapat magpasalamat sa iyo sa pagdadala mo sa akin dito. I enjoyed it."

Ngumiti ito bilang sagot. Bago pa niya mahulaan ang susunod na gagawin nito ay nakalapit na ito sa kanya. Dinukot nito ang panyo sa bulsa nito at saka pinunasan ang pawis sa noo niya. "Pawis na pawis ka na," pabulong na wika nito. Halos magdikit na ang mga mukha nila. "Here..." Tinanggal nito ang baseball cap at saka nito iyon isinuot sa ulo niya. Hinawi pa nito patungo sa likod niya ang buhok niya. "Beautiful," mahinang sabi nito ngunit nakarating pa rin iyon sa kanyang pandinig habang titig na titig pa rin ito sa mukha niya.

Kay lakas na ng pagkabog ng dibdib niya. Magsa-salita pa lamang sana siya nang may lumapit sa kanila na isang may-edad na babae.

"Sir Darrel," tawag nito sa lalaki.

Nilingon nito ang ginang. "Aling Ising, kumusta na po si Bert? Magaling na ba siya?"

"Opo, Sir. Kaya nga po ako narito ay para magpa-salamat sa inyo. Kung hindi po dahil sa tulong na ibinigay n'yo, baka po nawala na sa akin si Bert," anang ginang na hindi na napigilan ang pag-iyak.

Agad itong dinaluhan at inakbayan ni Darrel. "Wala pong anuman. Si Aling Ising naman, o. Ngayon pa ba kayo iiyak kung kailan ligtas na si Bert?"

"Sir, napakabait po ninyo. Ang Diyos na po ang bahalang gumanti sa lahat ng kabaitan n'yo sa amin."

Lalo siyang humanga kay Darrel dahil sa mga nasasaksihan niya. Sino ba talaga ang isang Darrel James Luciano? Maliban sa alam niyang may pagmamay-ari ito na walong travel agency at ilang supermarket ay wala na siyang alam pa tungkol dito. Then she realized he was a total stranger. Pero kahit na sino pa ito ay mamahalin pa rin niya ito.

The Tanangco Boys Series 1:  Darrel James LucianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon