CHAPTER NINE

6.8K 162 2
                                    

PAGPASOK nina Allie sa hotel room niya ay saka lamang siya kinompronta ni Darrel.

"Totoo ba na fiancé mo ang lalaking 'yon?"

Nahimigan niya ang pinipigil na galit sa boses nito. "Darrel—"

"Answer me!" malakas na sabi nito.

Napapitlag siya. "Oo. Pero noon 'yon! Hiwalay na kami. Hindi natuloy ang kasal namin."

"Magsisinungaling ka pa rin ba hanggang ngayon? Hanggang kailan mo bibilugin ang ulo ko? You've been lying to me all this time!"

"Darrel, no! Hindi ako nagsisinungaling sa 'yo. Mahal kita!"

Tumawa ito nang pagak. "Kung ganoon, bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat?"

"Dahil hindi na kailangan. Dahil ayoko nang balikan pa 'yon. All I want is to forget everything and move on."

"And what do you want me to do now? Tanggapin na lang nang basta-basta ang lahat? And pretend that everything is okay. Hah! Is that what you want me to do?"

"Please understand. Hindi madali para sa akin ang mga pinagdaanan ko."

"Hindi rin ito madali para sa akin, Allie. All this time, I believed in you! Naniwala ako sa lahat ng mga sinabi mo. Minahal kita! And the next thing I knew, you were lying to me! Sana ay pinagkatiwalaan mo ako na kahit ano ka pa at kahit sino ka pa, tatanggapin pa rin kita. Ganoon kita kamahal!" galit na galit na wika nito.

Walang maapuhap na salita si Allie. Wala siyang ibang kayang gawin nang mga oras na iyon kundi lumuha at humingi ng tawad.

"I'm sorry. I'm sorry kung itinago ko sa 'yo ang tungkol doon. Hindi pa kasi ako handa na sabihin sa 'yo ang lahat. Hindi ko intensiyon na umabot sa ganito ang lahat."

Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Nanatili itong nakatayo sa tabi ng bintana at nakatanaw sa labas. Siya naman ay lalong natatakot. Lumapit siya at tumayo sa likuran nito.

"Darrel..."

"You know what I'm thinking right now?" tanong nito sa mahinahong tinig.

Hindi siya kumibo. Bagkus ay naghintay na lamang siya ng susunod na sasabihin nito.

"I'm wondering if you truly love me."

Daig pa niya ang sinampal nang tatlong beses sa sinabi nito. Iyon ba ang kapalit ng simpleng pagkakamali niya? Ang masaktan nang higit pa sa naunang sakit na naranasan niya? Nag-unahan sa paglandas ang mga luha niya. "I love you. Maniwala ka sana."

"I can't take this." Walang sabi-sabing lumabas ito ng silid at pabalibag na isinara ang pinto.

Naiwan siyang nakalugmok sa isang sulok at walang tigil sa pagluha. Kung sana ay nakinig siya sa payo ng mga kaibigan niya. Kung sana ay hindi siya nagpadala sa takot. Kung sana ay naging mas maagap siya. Napakaraming "sana" pero pero huli na ang lahat. Nangyari na ang kinatatakutan niya. Bakit kailangan uli niyang masaktan? Didn't she deserve to be happy? Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nakahiga sa carpeted floor ng kanyang hotel room. Wala pa ring patid ang pag-iyak niya. Nararamdaman na niya ang pamumugto ng kanyang mga mata. Hanggang sa narinig niyang may kumakatok sa pinto. Dali-dali siyang tumayo sa pag-aakalang bumalik na si Darrel. Pero ganoon na lamang ang pagsiklab ng galit niya nang makita niyang si Jesse ang naroon. Kahit pulos pasa na ang mukha nito ay walang sali-salitang sinampal niya ito nang sunud-sunod. Wala na siyang pakialam kung namamaga pa ang mukha nito dahil sa pambubugbog dito ni Darrel. She just wanted to release all her anger. Gusto niyang dito ibuhos ang lahat ng galit niya, tutal ay ito naman ang nagsimula ng lahat ng gulo.

The Tanangco Boys Series 1:  Darrel James LucianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon