Isang linggo na ang lumipas at hanggang ngayon ay magbestfriend pa din kami ngunit magkaibigan nga lang ba?hanggang ngayon ako'y naguguluhan sa nararamdaman ko.Sa isang linggo na iyon ay madaming nagbago.Oo,sobrang dami tulad ng pagkakaibigan namin ay nagbago na dahil nasa punto na para kaming magka-ibigan.Oo magka-ibigan ngunit baka ako lang itong nag-aassume sa ganung bagay.Aaminin ko nahuhulog na ako sa kanya sagad hanggang operator ni Gerard.Kaso eto na ang kinakatakutan ko ang mahulog sa taong hindi ko pa nakikita ang mukha,naririnig ang boses at ang taong hindi ko pa talaga kilala.Ngunit ang mas nakakatakot pala sa lahat ay baka mahulog ako na hindi naman ako sasaluhin.
"Anak"
Nakita ko si Dad na nakatingin pala sakin.
"Dad bakit po?"
"Anak anong nangyayare sayo?nitong mga nakaraang araw ay sa phone mo ikaw laging nakatutok."
"D-dad"
Nauutal kong sabi kay dad,hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat ko sabihin.
"Wag kang maglihim anak.Daddy mo ako at alam kong may nililihim ka.Wala na nga ang mommy mo kaya dapat nagssabihan tayo"
Oo nga dapat pala di ko ito nilihim.Naalala ko nanaman ang nanay ko na pinagpalit kami sa lalaki niya.
"Dad si Faith po"
"Ano?"
"Tinuro niya po sa akin ang mundo,mundong naranasan kong sumaya kahit alam kong peke lang doon"
Nakita kong nakatitig lang sya sakin at inaabangan ang susunod Kong sasabihin.
"May kausap ako dun dad sobrang dami pero isa lang ang pinakagusto ko sa lahat.Nahuhulog ako sa kanya,nahuhulog ako sa taong di kopa kilala ang pagkatao.Okay lang ba iyon dad?"
"Nak.Masasaktan ka lang."
"Alam ko po"
"Pero susuportahan kita"
Sa sinabi ni dad na ganun ay yinakap ko sya.
Nahuhulog na ako at alam kong mamahalin ko din sya.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Roleplayer
ChickLitBabaeng hindi inaakala na unti-unti syang mahuhulog si isang Roleplayer na kausap niya lamang sa internet. Ano kaya ang mangyayare?