• 14 •

40 3 0
                                    

Gerard: Shaira ko? Napagisipan mo na ba?

Eto nanaman juskolord i dunno what to say. I like him, I love him but I'm scared.

Gerard: If you're not ready, I'll understand and i'm ready to wait until you decide to be with me in real world.

Shaira: Thankyou, Gerard for understanding. I'm not ready yet but I love you, okay?

Gerard: Alam ko naman at mahal din kita. Siguro masyadong mabilis kaya 'di ka pa handa.

Shaira: hay nako, tama na nga ang drama natin, Ger.

Gerard: Oo nga haha ahm may naisip ako.

Kinakabahan ako, ba't ganon?

Shaira: Ano 'yon?

Hannah, Relax. Relax,okay? Whoo.

Gerard: Kantahan kita sa call, ayos lang ba? Kahit ngayon lang bago ka matulog.

Kakanta lang naman pala kala ko kung ano na. Excited din naman ako marinig ang boses niya kase never ko pa narinig.

Shaira: ay sige, eto number ko 09560******.

Gerard: Osige, hintayin mo na yung tawag ko.

Naghintay ako ng ilang minuto at may tumawag na nga sa phone ko. Breath in, breath out muna.

/ / call

G: Hello?

G: Do you hear me, Shaira? Hello? Still there?

S: Naririnig kita.

Bakit? Bakit ganon? Magkapangalan kayo, magkaboses kayo. Naiiyak ako. Bakit, Gerard? Sadya lang ba na kaboses mo sya at iba ang pangalan mo sa totoong mundo, diba?

G: Nahihiya ka ba sakin?

S: Ay hindi. Uminom lang ako ng tubig.

G: Hmm, di naman ako nakakaabala?

Nakakaabala ka, inaabala mo isip ko kung sino ka talaga.

S: Hindi ah. Ayos lang naman, sa totoo nga lang may naaalala ako sa boses mo.

G: Ex mo diba?

S: Wait paano mo nalaman?

G: Hula ko lang. Halata naman sya maaalala mo sa boses ko kase diba wala ka namang boybestfriend? Kaya ex mo lang.

S: Ay oo nga no haha.

G: Ganda pa din ng boses mo.

Wait? Narinig na ba nya boses ko noon?

S: Din?

G: Sabi ko maganda din pala boses mo.

Grrrr. Nabibinge na ako juskolord.

S: Ah

G: Kanta na pala ako. Ano ba gusto mo?

S: Ikaw bahala.

G: Sige.

Narinig ko sa kabilang linya ay parang may nag-gigitara. Wait? Mag-gigitara sya?

G: Wise men says only fools rush in but I can't help falling inlove with you.

Habang naririnig ko ang boses niya ay unti-unting bumalik lahat ng alaala noon. Bakit? Bakit iisang kanta ang kinanta niyo? Iisa lang ba kayo? Pero imposible pa, may pamilya na sya!

G: Shall I stay could it be a sin. For I can't help falling inlove with you.

Pinakinggang ko lang sya hanggang sa natapos pero ang luha ay patuloy na bumabagsak dahil sa mga alaala na bumabalik na hindi na dapat hanggang sa makatulog na ako sa sofa.

Inlove with a RoleplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon