19

35 4 0
                                    

Idinilat ko dahan dahan ang mata ko at napansin ko na nasa isang kwarto ako at tinignan ko ang kamay ko dahil parang ang bigat. Gerard? Nakahiga sya sa braso ko at nasa hospital ako. Oo nga pala sht,hinimatay pala ako.

"Gerard, ambigat" sabi ko at ginalaw galaw ang kamay ko.

"Gising ka na pala. Okay na ba ang pakiramdam mo" sabi niya at hinawakan ang mukha ko kaya itinanggal ko ito.

"Kaya ko, Gerard. Umalis ka na" pagtataboy ko dito.

"Anak, gising ka na. Kamusta ka" sabi ng daddy ko na kakapasok lang ng pinto.

"I'm fine,dad"

"Anak, si Ger--"

"Paalisin mo na" pagputol ko sa sasabihin ko at umiwas ng tingin.

Hirap kaseng makita ang pagmumukha niya,nakikita ko din ang nakaraan. Bumalik pa sya kung kailan linilimot ko lahat.

"Iiwan ko muna kayo"

"Dad!"

"Let him explain, first"

Umalis na nga ng room si Dad. Iniwan ba naman ako sa ex ko, kakaloka no? Di ko tinignan si Gerard at sa gilid lang ako nakatitig. Ayoko sya pansinin, bahala sya.

"Hannah" sabi nito ngunit 'di ko pa din pinapansin.

"Hannah naman pansinin mo ako"

"Humarap ka sakin, Hannah"

Ayaw ko man ay hinarap ko sya.

"Oh? Ano bang kailangan mo?"

"Pakikinig mo"

"Okay. Salita ka na, bilian mo."

"About dun sa baby---"

"Ano? May pamilya ka na, umalis ka na!"

"Hannah kase makinig ka naman"

"Yung sa baby, 'di ako ang ama non. Kaibigan ko ang ama non. Nalaman ko nung pina-DNA."

Nagulat ako sa narinig ko pero tuloy tuloy pa din sya sa pagkuwento.

Hanggang sa nalaman ko na nagbar pala sila para magpacelebrate, yung time na 'di ko sya sinamahan. Naginuman sila at 'di niya alam ang ginawa niya nung paggsing pero katabi niya lang naman sa kama ang babae dahil nung umalis ang kaibigan nito pinahiga niya si Gerard kaya nung malaman na buntis ang babae ay si Gerard ang nilapitan niya dahil akala nito si Gerard ang nakabuntis pero hindi.

Anong sasabihin ko? Eh nakakagulat ba naman. Maniniwala ba ako? O baka nagawa lang sya ng dahilan niya para maging ayos kami.

"Hannah, please maniwala ka"

"Ano sa tingin mo ako? Magpapaniwala ka-agad?"

"Hindi naman sa ganon, Hannah. Please lang hayaan mo'ko na magpaliwanag" pakikiusap niya at nakita kong may luhang pumatak mula sa mata niyang maamo.

Heto nanaman ako, makikinig sa mga sasabihin niya at maniniwala syempre nadadala din ako. Wala eh, gaga din kase ako.

Hinayaan ko syang nagexplain at sa mga narinig ko ay hindi ako makapaniwala, 'di ko alam ang aking irereaksyon.

Inlove with a RoleplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon