Lumabas kami ng Hospital kasama si Dad at Gerard, ang tungkol kahapon ay alam na pala ni Dad at kami ni Gerard ay wala na ding ilangan at ngayon ay nasa bahay ako ni Gerard dahil aalis daw kami.
"Gerard"
"Oh? May kailangan ka ba? Nagugutom ka?" Sabi niya habang nagsusuot sya ng short. Loko din yan eh naligo sabay sa harapan ko nagbibihis.
"Sa CR ka naman magbihis" sabi ko na medyo natatawa.
"Eh gusto ko dito, Hannah saka ikaw lang naman"
"Kahit na, ulok"
Nagsuklay na sya ng buhok niya at nagpabango na ng damit. Ngayon ko lang napansin na mas lalo pala syang gumwapo at lumaki din ang katawan.
"Ba't titig na titig ka?"
"Naninibago lang ako sa itsura't katawan mo"
"Sus halika na nga" ikinawit niya naman ang kamay niya sa bewang ko hanggang sa makalabas kami.
Pupunta kami sa isang Restaurant, first date daw namin ngayong nagkabalikan kami at dito rin ang first date namin nung unang naging kami.
Habang nakaupo kami ay alam kng pinagmamasdan niya ako siguro dahil sa daming pagkain na inorder ko.
"Bakit ang dami mong in-order? Isang batalyon bang lalake ang inimbita mo rito ngayon?" Sabi mo
"Tayong dalawa lang ang uubos ng lahat ng 'yan" sagot ko sabay dampot mo naman sa kubyertos.
"Hindi natin kayang ubusin 'yan"
"Kaya natin 'yan. Naalala mo pa ba noong nagfoodtrip tayo sa tagaytay?" Tanong ko sa kanya."Di ba, lahat ng madaanan nating kainan noon, tinitigilan natin? Panay ang reklamo mo na busog na busog ka na, pero hindi ka naman tumitigil sa pagkain tuwing ilalapag ang in-order natin". May ngiti sa aking labi habang binabalikan ko ang aming nakaraan. Pero parang sa kanya ay wala lang.
"Tapos, naalala mo pa ba noong gabi pagkatapos ng date natin? Nag-drive-thru pa tayo sa McDo dahil nagutom tayo in the middle of the night."
Nabitawan mo ang hawak mong kutsara dahil sa nabilaukan ka na lumikha ng ingay dahilan para mapatingin sa pwesto natin ang ibang kumakain.
"Naaalala mo pala yon?hahaha"
"Oo naman,Ge"
"Ba't nga pala past ang topic?"
"Gusto ko lang balikan mga masasayang memories natin, para maalala mo..." sabi ko at tinuloy ang pagkain habang sya ay nakatingin sakin.
"Tapos na 'yon. Ano pa'ng saysay na balikan pa ang mga 'yon?"
"Para maalala mo na masaya tayong dalawa noon"
"Para ano?"
"Para magsisi ka na natapos ang relasyon natin noon"
Di sya nakasagot sa sinabi ko at alam ko din na nahihiya sya. Kung maaga niya lang sana nalaman edi sana maaga naayos 'to.
"Sorry, Hannah"
"Joke lang naman, Ge" sabay tawa ko
Biro ko lang naman talaga yon titignan ko lang anh magiging reaksyon niya pero may sasabihin akk sa kanya at hindi na biro.
"Ge, kung 'di mo kaya na panindigan itong relasyon, wag na nating simulan lalo na kung puro sekretuhan dahil nakakapagod na masaktan dahil lang sa kasinungalingan"
Nagbuntong hininga naman sya at hinawakan ang aking kamay.
"Pangako, Hannah wala ng lihim ngayon, sasabihin ko lahat ng nalalaman ko at 'di ko na hahayaang mawala ka ulit"
Natapos ang date namin ay masasabi ko namang masaya lalo na nung kami ay nasa Ranzo Park at nakipaglaro sa mga bata. Siguro tama nga ang desisyon ko na ipagpatuloy ulit to, sana lang wala akong pagsisihan.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Roleplayer
ChickLitBabaeng hindi inaakala na unti-unti syang mahuhulog si isang Roleplayer na kausap niya lamang sa internet. Ano kaya ang mangyayare?