Kailangan ko ba maniwala sa mga narinig ko? Nakakatakot, nakakatakot na baka niloloko niya lang ako. Ayaw ko na muling maloko kase masakit.
"Hannah, 'di ako nakabuntis. Yung babae na nagsabi na nabuntis ko sya si Mary. Di ko anak yung dinadala niya noon kundi sa kaibigan ko pala"
"Wai-"
"Mamaya ka na magsalita, hannah. Ako muna."
"Nung gabi na yon, di'ba nagpaalam ako sayo na magiinuman kami? Tapos ayaw mo nga sumama. Ayon nung nalasing pala kami nakita ko sa CCTV na yung kaibigan ko at siMary ang pumasok sa kwarto at nung lumabas pala ang kaibigan ko ay inalalayan ako para humiga don kaso paggising nung babae ako ang nakita niya kaya nung nalaman na buntis sya ay ako ang napagkamalan niya"
"Hannah, walang nangyare samin nung babae kahit ipakita ko mga ebidensya ko at nasa ibang bansa ako nubg pinaimbestiga ko yon dahil para alagaan si Mary at andon ang pamilya niya pero nung nalaman ko ay sya ang nagsorry pati kaibigan ko."
Inulit ulit ko ang sinabi niya kanina sa aking isipan pero ang hirap pa din makapaniwala.
"Hannah naman"
"Ba't may family picture ka kasama ang 2 years old ata na bata?"
"Pamangkin ko yon."
"Okay."
Yun na lamang ang sinabi ko at pumikit muna dahil sa andami kong nalaman, mukha namang seryoso nga talaga sya.
"Hannah? Bigyan mo naman ako ng pagkakataon pati tayo."
Umiiyak na sya ngayon at hawak ang kamay ko, siguro 'di nga talaga sya nagloloko. Pagbigyan ko na ba?
"Una palang, alam kong 'di ako makakabuntis Hannah dahil di'ba nga sabi ko noon ay tayo lang, at wala ng iba. Kaya pa'no ako magkakaron ng ibang pamilya? Eh gagawa nga tayo ng pamilya natin, hindi sa iba"
Ako naman ngayon ang naiiyak kung 'di ko pagbibigyan ng isa pang pagkakataon si Gerard ay masasayang lang lalo ang relasyon namin.
"Gerard, nakakatakot kase na baka maulit nanaman" sabi ko.
"H-hannah, 'di masasayang yung chance na ibibigay mo, pangako"
Dahil sa pagiyak niya ay hirap na sya magsalita kaya lalo din akong naiiyak kapag nakikita ko syang ganon kaya pinaupo ko sya sa kama ko.
"Upo ka dito muna" sabi ko at turo sa tabi ko ngunit di lang sya umupo kundi ay humiga na at pinipilit tigilan ang luhang bumabagsak at tumigilid naman ako at niyakap sya kaya ngayon ay nagtataka sya.
"Wag kang umiyak, Gerard. Please lang"
Niyakap ko sya ng mahigpit at si Gerard ay humarap sakin patagilid at nilagay ang kamay niya sa ulohan ko para higaan habang yakap ko sya.
Namiss ko yung ganto, yung yayakapin ko sya pagmalungkot at naiyak at ganon din sya sa akin. Siguro wala namang masama na bigyan nga ng chance ang relationship namin.
"I'll give us another chance, chance to start over."
Sa pagsabi ko nun ay niluwagan ko ang pagyakap ko at tinitigan sya.
"Thankyou, hannah! Thankyou, thankyou!"
Nakita ko sa itsura niya na masaya sya, at natuwa din ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at walang humpay na pagsabi niya ng thankyou sakin.
"I love you" sambit nito siguro tama nga na magsimula na ulit kami.
"I love myself too."
Nagiba naman ang awra ng mukha niya dahil sa pagbibiro ko haha kahit kailan talaga.
"Joke lang. I love you too, nganget"
BINABASA MO ANG
Inlove with a Roleplayer
ChickLitBabaeng hindi inaakala na unti-unti syang mahuhulog si isang Roleplayer na kausap niya lamang sa internet. Ano kaya ang mangyayare?