• 16 •

35 3 0
                                    

Nagising ako sa sunod-sunod na ingay ng cellphone ko. Hinawakan ko ang mata ako at maga na. I thought he'll be surprised, maybe nextime i can do gifts and surprise better.

Binuksan ko lahat ng chat niya at binasa ko.

Gerard:Hey! Namatay yung wifi namin. Sorry naaaaa. Yan ang bestgift ko Shaira kooooo.
Gerard:uy?
Gerard: Hys tangina nung wifi eh.
Gerard: Shaira binabawi mo na ba?
Gerard: Nakakagagong wifi na yon puta.

Puro halos mura ang nakita ko dahil siguro nabanas sya. Akala ko 'di sya natuwa. Tawagan ko na nga lang.

S: Gerard?
G: Sht. Sorry. I'm sorry.
S: Ano ka ba? Okay lang. Andami mong mura sa chat ah, sa tingin mo maganda yon?
G: kase eh kala ko galit ka. Sorry na,please.
S: Oo na. Alam mo bang umiyak ako sa pagseen mo akala ko ayaw mo kaya ayon natulog ako.
G: Kase putangina nung wifi biglang namatay.
S: Bibig mo!
G: Oo na. Ilove you.
S: Iloveyoutoo.
G: Totoo ba talaga? Op to op na?
S: Oo? Hahaha.
G: Yes! Yes! Ansaya ko sobra!
S: Hahahaha osya tama na yan. Totoo nga.
G: So ano name mo?
S:Oops! Secret muna akin. Kapag nagkita tayo malalaman mo din.
G: eh ano ba yan? Kailan naman tayo magkikita?
S: Next week. Sa sabado?
G: okay okay. wag mo'ko indian-in ah?
S: Oo nga
G: Yung gift ko kapag nagkita tayo? Para masaya kahit alam kong may malungkot na mangyayare?
S: Ha? Anong mangyayare?
G: Nvrmnd. Kumain ka na ba?

Humaba pa ang usapan namin hanggang sa kumain ako ay naguusap pa din kami.
Tipong kapag namatay ang call ay tawag bigla ulit tapos ay kinantahan niya naman ako ng Perfect by Ed Sheeran, at napagtanto ko na sa paraang ito, tuluyan ko ng malilimutan ang ex ko. Siguro mali nga? Dahil parang ginagamit ko sya pero yung puso ko ang naguguluhan kung ano ba talaga, kung sino ba talaga.

"Anak" tawag sa akin ng Dad ko.

Nandito na pala sya 'di ko namalayan. Ngayon lang sya nakauwe galing Baguio, probinsya namin. Dinalaw niya lang ang aking lola.

"Dad, i miss you"

Sabi ko at yakap ko sa kanya ng mahigpit. Sasabihin ko kaya ang tungkol kay Gerard? O hindi?

"Namiss din kita, hannah. Nga pala, kamusta ka naman dito? Naboring ka ba?"

"Hindi naman dad sa totoo lang masaya nga ako eh."

"Hmm? Sino kaya pinagkakaabalahan ng anak ko?"

Sa pagsasalita ni dad ay may halong pangaasar. Sabihin ko na nga lang tutal di naman magagalit.

"Kase dad ano eh"

"Spill it, hannah"

"May nakilala po ako sa internet na lalaki. Sa Rpw po."

Nakita ko sa mga mata niya na naguguluhan sya. Oo nga naman 'di niya alam ang mga mundong yon.

"Roleplayworld dad"

"Ano yon?"

" Yun po ay yung mago-operate ka ng account. May mga sisterhood at brotherhood doon tapos may isinasagawang activity tulad ng Fanservice o poetry tapos dad magkakaron ng kaibigan yung accoynt na ino-operate ko, pwede din na magkaron ng ka-relationship don pero labas na ang operator, labas na ako." Mahabang pagpapaliwanag ko. Jusko sana 'di sya magalit.

"Tapos?"

"Ano po dad napagdesisyunan namin na pati kami din ay magkarelasyon na. Sagad hanggang operator dad tapos po ano plano namin magkita nextweek. Wag ka po sana magalit."

Huminga ng malalim si dad at hindi sya galit. Sa totoo, ngumiti pa sya.

"Ayos lang anak pero siguraduhin mo na mabait yan anak kase sa panahon ngayon delikado ang mga ganyan. Ano pangalan niya?"

"Magiingat ako, dad. Promise. Gerard po"

"Gerard?! Magkapa--"

"Dad wait. Gerard ang name nung account na ino-operate niya pero 'di ko pa alam ang name nung operator"

"Seryoso ka ba jan, Hannah? Di moalam ang kahit ano jan sa tao na iyon sabay makikipagkita ka? Jusko anak!"

"Daaaad, mabait nga sya. Kasing boses niya nga din si Gerard dad na ex ko"

"Nak, desisyon mo yan. Hahayaan kita na magdesisyon sa buhay mo pero andito lang ako anak ha? Pagisipan mo yan. Magpapahinga muna ako."

Nangako naman ako sa kanya na magiingat ako at tinulungan ko sya na ihatid ang gamit niya sa kwarto at nagpahinga na din sya.

Sana sa pagkakataong to, tama. Sana 'di ako magsisi. Sana.

Inlove with a RoleplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon