Gustung gusto talaga ni Asha makita si Michael personally
kaya gumawa siya ng mga paraan para makabili ng ticket sa show ni Michael.
Asha : aling nena baka ho kailangan niyo ng sales lady dito po sa tindahan niyo. pwede po ako.
Aling Nena : Oh sige Asha. Kilala naman din kita at ng nanay mo. alam ko naman na mapagkakatiwalaan ka.
Asha : Magkano po sweldo ko? one week lang po ako. Now lang po kasi ako free .
Aling Nena : Pwede na siguro ang 250
Asha : Aling Nena naman, 400 naman po.
Aling Nena : naku Asha. nakaupo ka lang naman dito at libre na ang pagkain mo kaya tama na ang 250.
Asha : 350 po??Pwede ?(nakangiti)
Aling Nena : 300 final na yun..
Asha : Oh sige na nga po. 300..
Pumayag na si Asha na 300 ang sweldo niya sa pagtitinda niya kina Aling Nena para lang may pambili siya ng ticket sa Show ni Michael.
Napaisip si Asha,
Asha, " 200 na lang kailangan ko para sa unahan talaga ko uupo sa show ni Michael. Magkikita na din tayo, "
Dadating si Kelly,
Kelly : Oh Asha (gulat), anong ginagawa mo dyan?
Asha : Obvious ba?? nagtitinda.
Kelly : Eh bakit ka nagtitinda dyan??
Asha : bakit ba nagttrabaho ang isang tao?
Kelly : Edi para magkapera.
Asha : Oh ikaw na din sumagot sa tanong mo
Kelly : naks naman baks . ang sipag mo naman
Asha : siyempre para makita ko si Michael
Kelly : ano??
Asha : (nakangiti lang)
Kelly : kaya ka nagtitinda dyan para makabili ng ticket sa show ni Michael?
Asha : Tumpak !
Kelly : Alam mo baks , obsess ka na talaga kay Michael
Umalis na si Kelly, at nililingon pa din niya ang kaibigan niyang si Asha.
Kelly," hayy naku, baliw na ata talaga ang kaibigan ko sa Michael na yun. Nakakaloka"