(Chapter 32)

1.4K 42 0
                                    

Lia's pov;

Walang nagsalita sa  amin habang tinatahak namin  ang daan.

Huminga ako ng malalim at hindi ko na ata makakayanan ang sobrang katahimikan namin.
Alam kong galit siya dahil sa sinabi ko.

"Ah s-sorry" yumuko ako at pilit na wag ilabas ang takot at kaba ko pag kausap ko siya.

Ayokong makita ang mga mata niyang nakakapag kaba sa akin.

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang ito sa pagdadrive.

Hindi ko tuloy malaman kung ano talaga ang gusto kong sabihin dahil sa Puntong ito natatakot na akong magsalita at marinig ang mga salitang bibitawan niya.

"You need to rest, matulog ka muna" malamig na sambit nito at nakatuon parin sa daan ang mga mata niya.

"O-okay" saad ko at ihilig ang ulo ko sa bintana.
Siguro nga ayaw niya pa akong kausap. Sumilip muna ako sa kaniya at ipinikit na ang mga mata, narinig ko pa siyang bumuntong hininga bago ako tuluyang nakatulog.

"K-kuya" naramdaman ko ang mainit na palad ang hinimas ang pisnge ko kaya napamulat ako.

"B-bryle"sambit ko ng hinawi niya ang mga luhang patuloy parin sa pagbuhos.

"Shhhhh...". Napaiyak ako dahil sa napaginipan ko ulit ang nangyari  ng mamatay si kuya.at napagtanto kong malapit na pala ang birthday ko at ang death anniversary ni kuya jero.

"S-sorry" mahinang bigkas ko at lumabas ang mga luhang hindi ko mapigilan.

"Let's go" saad niya at lumabas at umikot para buksan ang pintuan.
Bumaba ako at pilit na tinatatagan ang sarili.

Agad niya akong sinalubong ng yakap kaya hindi ko napigilang humagulgol sa pag-iyak.

"I-i miss him" hagulgol kong sambit, ramdam ko ang init ng mga yakap niyang nagbibigay ng lakas sa akin.

"Don't worry about jero he's okay" mahinang sambit nito at hinimas ang likod ng buhok ko.

Napabalikwas naman ako ng yakap sa kaniya dahil sa narinig.

"K-kilala mo si kuya??" Tanong ko.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya at iniwas ang tingin niya sa akin.

"B-bryle! I'm asking you!"sigaw ko dahil sa nagugulahan ako sa nangyayari ngayon.

"How?? Paano mo siya nakilala??" Tanong ko ngunit may bahid ng galit dahil sa itinago nila ito sa akin.
Hindi siya nagsalita at tumitig sa akin.

"He's my sister's boyfriend"ramdam ko ang lungkot ng pagkasabi niya sa salitang iyon.
Nagulat ako dahil sa bago na namang nalaman ko..

May kapatid siya???? Bakit hindi ko alam??? Bakit hindi niya sinabi????

"And he's my Bestfriend"at duon ko na nakita ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

"N-nasaan ang kapatid m-mo??" .

Hindi siya nagsalita at yumuko ito para hindi ko makita ang mga luha niyang patuloy parin sa pag-agos.

"Y-you n-need to r-rest" iwas nito ng topic.

"B-but ----"

"L-lia.. please... I-i don't want to talk about it" mapait nitong sambit at naglakad papasok ng bahay.

Hindi parin tumitigil ang luha kong umaagos dahil sa nararamdaman at narinig.
Gusto ko siyang sundan at yakapin para iparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa pero mas bumabagabag sa akin ang pagtago niya ng katotohanan.

How come na wala akong alam sa kanilang dalawa ni kuya???.

Kinabukasan.......

Maaga akong umalis ng bahay para pumunta sa hideout nila bryle.

The Bad Boy is my Fiance??!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon