(Chapter 23)

1.4K 48 1
                                    

Lia's pov;

"Sigurado kang dito ka lang???"makulit na tanong ni tristan.

"Oo nga"sagot ko na nagpipigil sa pag-iyak. Bumaba ako sa bahay namin or should i say bahay ko dati kung saan ako nakatira dati.
Ayokong umuwi baka pag nakita ko siya ulit, baka mapaiyak na naman ako. Mas maganda nang dito muna ako para mawala ang sakit na nararamdaman ko.

"Ok, just call me if something happened ok?"alam kong nagaalala siya.pero mas gusto kong mapag-isa ngayon.

"Salamat tristan"pilit na ngiti ko at pumasok na ng bahay.

Pagbukas ko ng doorknob ay nabungaran ko ang isang kasambahay namin na naglilinis. Napalingon naman ito sa gawi ko.

"Ma'am jane?? Ano pong ginagawa niyo dito??"gulat na tanong niya.

"Ahh napasyal lang ako" sagot ko.

"Ahh ganoon po ba, gusto niyo bang ipaghanda ko kayo ng meryenda??"Tanong nito.

"Hindi na po, akyat lang po ako sa kwarto"sabi ko at umakyat na para pumunta sa dati kong kwarto.
Pinihit ko ang seradura  ng pinto at pumasok na ng kwarto.

I miss this room, this room is very special to me because my brother was the one who designed this for me.
Humiga ako sa kama at inaalala ang nangyari bago mawala si kuya sa buhay namin.

Flashback...

"Kuya! I want this one!!"masayang sambit ko at ipinakita kay kuya ang isang teddy bear na kulay pink.

"You want that bear lia?"tanong ni kuya. Tumango naman ako bilang sagot.

"Ok will buy that bear para hindi ka na malungkot"nakangiting sabi ni kuya at piningot pa ang ilong ko.

"Yehey!!!! Thank you kuya!"sabay yakap ko kay kuya.

"Birthday mo na sa February 14, are you excited?"tanong ni kuya.

"Yes kuya! mag te-ten year old na ako!"sabi ko.

"I have a surprise for you"bulong sa akin ni kuya habang naglalakad kami papuntang parking lot bitbit ang teddy bear na binili ni kuya.

Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"Why?? Something wrong??"takang tanong ni kuya.

"Eh! Kuya naman eh! Surprise yun bakit mo sinabi!"maktol ko. Napatawa naman siya sa inasal ko.

"Hahaha! Btw, do you want to meet your Baby B??"nakangising tanong ni kuya.

"Kuya!!"Crush ko kasi yun eh! Pero hindi ko nga lang matandaan ang mukha niya.
Ewan ko ba! Ang bata ko pa naging makalimutin ko na. hindi naman ako sinasagot nila kuya kung bakit hindi ko na maalala si B.

"Hahaha you're so cute lia!"tawang tawa niya.

"Hmppp!!!"tumakbo ako dahil sa inis, kuya kasi eh!.

"Lia!!!"sigaw ni kuya.
Hindi ko ito pinakinggan at mas mabilis na tumakbo, bitbit ko parin ang teddy bear.
Diretso lang ako sa pagtakbo ng may mabangga ako, at sa lakas ng impact ay natumba ako.

"A-aray!" Daing ko, ang sakit kasi ng pwet ko!.

"Uyy!! Diba kapatid to ni jero gomez??"ngising  sabi ng isang lalaking panget! Akala mo pinaglihi sa  kalabaw!.

The Bad Boy is my Fiance??!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon