(Chapter 31)

1.4K 41 0
                                    


Lia's pov;

"Hmmmm..."  Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ang nangyari sa akin kanina!
Nilingon ko ang buong paligid, nasa isang kwarto ako at isang ilaw lang ang nagsisilbing ilaw sa kwartong ito.

Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan, hinawakan ko ang seradura ng pinto at pilit na binubuksan ito.

Nasaan na ba talaga ako?!! Bakit ako nandito?!!!. Sino ang kumidnap sa akin?!.

Pilit ko paring binubuksan ang pintuan kahit hindi talaga ito bubukas Hanggang sa------

*Creeeeeccckkk!!*
Bumukas ang pintuan at lumantad sa akin ang dalawang nakamaskarang lalaki na may parehong dalang armas.

*Lunok!* Nakakatakot sila kahit hindi ko nakikita ang mga mukha nito.

Aatras na sana ako ng hawakan ako ng isang lalaki at kinaladkad palabas!.

Gusto kong maiyak dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa aking braso at ang lakas ng pagkaladkad nito sa akin.

Habang kinakaladkad naman ako ay may tumutok ng baril sa likod ko dahilan ng pagiging mas kabado!.
Gusto kong sumigaw ng tulong!! Pero alam kong hindi rin iyon makakatulong dahil baka patayin ako agad pag gumawa ako ng ingay.

Lumiko kami ng daan at nakita ko ang isang bukas na bintana, mga puno at halaman lang ang nakikita ko. Nakaramdam ako ng panghihina dahil hindi na talaga ako makakatakas dito, siguro makakalabas ako pero maaabutan parin ako dahil hindi ko parin alam ang pasikot sikot dito.

Tumigil kami sa isang pintuan at pumasok kami dito, malaki ang kwarto at malalaman mo na talagang luma na ang bahay na ito dahil sa mga lumang muwebles at mga kagamitang kumukupas na ang kulay dahil sa kalumaan.

Huminto ang tingin ko isang taong nakaupo sa isang swivel chair na nakatalikod.
Ang mahabang buhok nito at ang kurba ng katawan ay kilalang kilala ko!.

Kinabahan ako ng dahan dahan itong humarap sa akin, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

At nang tuluyan na itong humarap sa akin ay nagpakawala ito nang malaking ngisi, ngisi ng isang demonyo.

"Hi Jane" madilim na sambit nito.

Nanginginig ako habang nakatayo at nakatingin sa kaniya.
Anong kailangan niya sa akin??
Ano ba ang kasalanan ko sa kaniya??.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng naglakad ito palapit sa akin.
*Lunok*

"Alam mo bang naiinis na ako sa tuwing nakikita kita??!" Nanatili paring kalmado ang tono niya pero ramdam ko ang pagkainis niya sa akin.

"A-ano ba ang ginawa ko sayo???" Lakas na loob kong tanong.

Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Tsk! Nagmamaang- maangan ka pa?! Slut!"sigaw niya sa pagmumukha ko, ipinikit ko nalang ako ang mga mata ko.

Slut?!?! Kailan pa ako naging ganoon kababa para sabihan niya ako ng ganoon??.

"I don't know what you're saying"  pilit kong tinatago ang kaba ko at takot.

"Huh??really? Wala kang alam? Eh anong tawag sayo? Inosente??" Sarcastic nitong sabat.

Huminga ako ng malalim at hinarap siya.

" Anong kailangan kong gawin para matigil natong kabaliwan mo??"kalmado ko paring tanong.

Ngumisi naman ito at mas lumapit sa akin.

"Uhmm.. layuan mo si bryle, pero ngayon nag-iba ang ihip ng hangin kaya nag-iba ang desisyon ko--" ngumisi pa ito ng malapad .

" Papatayin na kita" dagdag nito at mabilis na itinutok ang baril sa aking noo, napapikit ako sa takot.
Hanggang dito lang ba talaga ang buhay ko??
Kung hindi umalis si bryle mangyayari ba ito??
Kung lalayuan ko ba siya, mas gaganda ba ang buhay ko??.

The Bad Boy is my Fiance??!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon