(Chapter 30)

1.4K 43 2
                                    

Lia's pov;

Bwisit na lalaking yun! Hindi ko talaga siya papansinin kahit kailan!! Umalis na nga ang bruhang honey na yun hahabulin pa?!! What's up with him??! Nakakinis siya! Akala ko pa naman napapansin niya ang pagiinarte ng pinsan niya pero sadyang manhid siya at pinapaikot lang pala siya!.

Flashback........

"f-fiancé??" Hindi makapaniwalang tanong ni joana dahil sa sinabi ni kate.

"Bakit may magagawa ka ba kung magfiancé sila??" Nakangising tanong sa kaniya ni kate at nang-aasar. Napailing nalang ako sa pinagagagawa ng kaibigan ko.

"B-bryle?? Is it t-true??"baling nito kay bryle na parang walang pakialam at kanina pa nakatingin sa akin!!.

Hindi nagsalita si asungot at nakatingin parin sa akin, at dahil sa naiilang ako ay ako na ang umiwas ng tingin.

"Bryle??!"inis na tanong ni honey.

Kunot noo siyang nilingon ni asungot.

"Yeah, and will you please shut up?!" Seryosong sambit nito.

Napa awang naman ang labi ni honey at parang naiiyak na. Tss!! Ang galing umarte ni ate!. Best actress in crying award!! Palakpakan!!.

"I h-have t-to g-go" parang naiiyak na talagang sambit nito at nagsimula nang maglakad.

Bigla namang nag ring ang cellphone ni asungot.

"Excuse me" sambit niya sabay tingin sa akin at naglakad palayo para sagutin ang tawag.

"Ang galing umarte ni bruha noh?!!" Inis na sambit sa akin ni kate.

"Tss! Akala ko pa naman ang bait niya" desmayadong sambit ko at kumain na lang.

"Pero pansin mo besh, parang hindi sila magpinsan eh! Kung maka kapit kasi kay bryle daig pa shoes glue kung dumikit?!!"saad nito. Napangiwi naman ako sa mga pinagsasabi niya.

"Hayaan mo na" sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain ng biglang sumulpot si asungot sa harapan ko.

"Bakit??" Tanong ko.

"I have to follow her" parang labag sa kalooban niyang gawin yun at parang napipilitan lang.

"Who??" I asked.

"Honey" maikling sagot niya.

Nanlumo naman ako at hindi ipinahalata sa kanila.

Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa.

"It's okay with you??"bulong sa akin ni Kate. Tumango lang ulit ako at hindi pinakita ang inis.

Ang pagkain nalang ang binigyan ko ng pansin. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni asungot bago ko narinig ang mga yapak niya na paalis.

"Haayyy may bagong kontrabida na naman sa storya ninyong dalawa ni bryle, si honey the bitch and joana the beast!" Sambit ni kate.

Flashback end*.*.*.*.**.*

Pauwi na ako ngayon at ang  masaklap ay naglalakad lang ako(TT).

Wag na talaga babalik ang asungot na yun! Naiinis ako sayo!!

Para akong tanga na naglalakad at tulala dahil preoccupied ang utak ko kung bakit kailangang ni asungot na sundan ang honey na yun!!

The Bad Boy is my Fiance??!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon