GAMIT ang kanang hintuturo ay pinaikot-ikot doon ni Cyrus ang hawak niyang bola ng Basketball. Katatapos lang nang umagang 'yon ang one on one Basketball match niya katunggali ang kaibigan at co-player niya sa Basketball Team na si Raym, na noon ay ginanap sa open court na malapit sa kanilang School gym.
"'Tol, hindi mo pa naman siguro nakakalimutan 'yong usapan natin 'di ba?" pagpapalala ni Raym sa naging usapan nila nito. Dahil natalo siya sa kanilang Basketball match, kinakailangan tuloy niyang sumunod sa napag-usapan nilang consequence.
Mukhang pinaghandaan siya nito nang husto sa kanilang laro, siya naman ay nakulangan lang nang ensayo, dahil two points lang ang lamang nito sa naging final score nila. At dahil may isa siyang salita, wala siyang balak na atrasan ang napag-usapan nila ng kaibigan. Pero napapailing siya sa tuwing naaalala niya ang napagkasunduan nilang consequence, few days ago.
"'Tol, one on one tayo?" nakangiting hamon ni Raym kay Cyrus, sa larong Basketball, isang umaga, nang nasa loob sila ng classroom at katatapos lang ng kanilang unang klase. Madalang siyang yayain nito ng one on one game, kaya saglit siyang napahinto sa paglalaro ng chess sa kanyang cell phone para tingnan ito.
Saglit siyang napaisip, saka ito sinagot. "Sure." Ano kaya ang binabalak niya? sa isip niya. Napailing na lang siya at saka muling inabala ang kanyang sarili sa paglalaro sa kanyang cell phone.
Mayamaya ay may biglang umagaw ng cell phone niya, kaya kunot-noo niyang binalingan ito. "Ang kulit oh! Oo na nga e." aniya kay Raym, na ngiting-ngiti habang nakatayo ito sa harapan niya at hawak sa isang kamay nito ang kanyang cell phone.
May pagka-makulit ang kaibigan niyang ito, pero pasalamat ito dahil nato-tolerate niya ang mga katulad nito. Mahaba kasi talaga ang pasensya niya.
"May consequence ang matatalo sa game natin." imporma nito.
Nang makaupo ito sa tabi niya ay mabilis rin niyang inagaw ang cell phone niya dito.
"Ano?" aniya. Saka niya isinuksok ang cell phone sa kanyang bulsa, para hindi na makuha uli ito sa kanya.
Ngumiti ito. "Kapag ako ang nanalo sa laro natin, susundin mo ang lahat ng mga sasabihin ko. Bawal ang mag-reklamo! At kapag ikaw naman ang nanalo, kahit ano'ng sasabihin mo, susundin ko."
Natawa at nailing siya sa mga sinabi nito. Sa edad nilang dalawampung taon, para pa rin itong bata kung mag-isip dahil sa mga kalokohan nito. Bukod sa kasama niya ito sa Basketball Team na kilala sa tawag na 'The Growling Lions', ay kaklase rin niya ito simula nang unang taon sa kolehiyo, sa kursong Business Management at kapwa mag-aaral ng Saint Thomas University.
"Ano naman ang consequence mo, if ever na matalo ako?" curious na tanong niya sa kaibigan.
Biglang sumeryoso ang mukha nito. "Simple lang. Befriend my cousin."
Napangiti siya. "'Yon lang? Sisiw!" natatawang sabi niya. Akala pa naman niya ay uutusan siya nitong maglinis ng buong gym mag-isa. 'Yon pala ay makikipag-kaibigan lang siya sa pinsan nito!
"Sisiw ka dyan," naiiling na sabi nito. "You don't know her. She's the weirdest person on this planet, she has her own world—a creepy little world. She's aloof with people, snob at parang isinumpa na niya ang lahat ng mga kalalakihan sa mundo, kaya gusto kong kaibiganin mo siya." Pahayag nito.
"What?" nagulat siya sinabi nito. Akala niya sisiw lang—manok pala. Napailing siya. Hindi pa niya nakikilala o nakikita ang sinasabi nitong pinsan nito at mukhang mapapasubo pala siya kapag nagkataong matalo siya sa laro nila nito. "Bakit ako? Ang dami naman natin sa Basketball Team na pwede mong hamunin—nandyan si Captain Jhet, si Boss Perce, si Jaihiro, Ralf, Paul at Rico o pwede naman 'yong mga rookies natin, bakit ako pa?" nagtatakang tanong niya.
BINABASA MO ANG
His Creepy Girl (Published under PHR-Completed)
FanfictionPaano ba ma-in love ang isang Creepy girl na takot ma-in love? Hero inspired by the PBA star Cyrus M. Baguio <3