"SHE'S KRISTINE, ang anak ng kaibigan ko. Gusto ka kasi niyang makilala, hijo." Nakangiting pakilala ng Daddy niya sa babaeng kaharap nila.
Naabutan na lang ni Cyrus ang kanyang Daddy na nakaupo sa isang mesa, ang buong akala niya ay silang dalawa lang ang magla-lunch nito, ngunit nagulat siya nang makita niyang may kasama itong babae sa table, marahil ay isa na naman ito sa mga ipinapares sa kanya.
Well, hindi niya ito masisisi. Marahil ay excited na itong magka-girlfriend siya. Dahil buong buhay niya, hindi pa siya nakikitaan nito ng kasintahan. Gayunpaman, hindi naman siya naiinis sa Daddy niya, dahil para sa kanya, ito pa rin ang pinaka-the best Daddy in the whole world, makulit nga lang.
Ang Daddy niya ay isang Business tycoon, isa sa mga pagmamay-ari nito ay ang sikat na Queen's Hotel ng bansa, marami din itong sangay sa iba't ibang panig ng Asia. Na balang araw daw ay ipapamahala sa kanya.
Sa edad nitong forty nine ay napakatikas pa rin nito, siyempre kanino pa ba naman siya magmamana ng angking ka-guwapuhan kundi dito. Maaga naman silang iniwan ng kanyang Mommy nang mamatay ito dahil sa panganganak sa kanya.
Sabi ng Daddy niya, ang Mommy daw niya ang pinaka-mabait, pinaka-sweet at pinaka-magandang nakilala nito. Gayunpaman, makalipas ang isang dekada, ay muling nakatagpo ang Daddy niya ng babaeng mamahalin—his stepmom at nagkaroon siya ng stepsister—si Jhem.
Hindi siya tumutol sa muling pag-aasawa ng Daddy niya, dahil gusto niyang muling sumaya ito, may mag-alaga at may makasama itong katuwang sa buhay.
"Hello!" nakangiting bati ni Kristine sa kanya. Maganda ito, sexy, maputi and a type of girl that any guy would like to date with.
"Hi! I'm Cyrus Feliciano." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili, saka ito kinamayan, tila ayaw pang bitiwan ng babae ang kamay niya, kung hindi pa niya hinila ito dito. Napatingin siya sa Daddy niya na napakalawak nang pagkakangiti.
Lihim siyang napailing. Kailan kaya siya tatantanan ng Daddy niya kaka-pares sa mga babaeng anak ng kaibigan nito? Parang last week lang nang i-match siya nito sa anak ng kakilala din nito. Mabuti na lang at naging busy siya sa practice game nila ng Basketball, nakaiwas siya sa date nila nito, hanggang sa magsawa na rin 'yong babae sa kahihihintay kung kailan siya available.
Kung minsan naman ay pinapalabas na lang niyang may pinopormahan na siyang babae, para tantanan na siya ng Daddy niya, 'yon nga lang ayaw maniwala ng Daddy niya, palibhasa wala siyang ipinapakitang babae dito.
"Hijo, iba si Kristine sa mga ipinakilala ko sa 'yo. She's intelligent, sweet and a beautiful girl." Bulong ng Daddy niya sa kanya.
Napangiti siya. Hindi rin makulit ang Daddy niya ha. "Daddy, may pinopormahan na akong girl sa School." Bulong din niya.
"Kung gano'n, ipakilala mo siya sa akin!"
NASA LIBRARY noon si Sarah Samantha para mapag-isa, para malayo sa maingay na kapaligiran, para maiwasan ang mga taong gustong gumambala sa nanahimik niyang buhay.
She prefer to be alone, kaysa makisalamuha at makihalubilo sa mga kapwa niya estudyante. Mas gusto niyang manatili sa library kahit wala pa siyang ginagawa doon, kaysa gumala sa kung saan sa loob ng kanilang Campus. Mas tahimik na lugar, mas maganda.
Madalas siyang nagpapanggap na nagsasalita mag-isa, para walang sinuman ang makalapit sa kanya, pero ang totoo niyan ay kumakanta lang siya ng walang sound. She even pretended na may nakikitang multo para layuan lang siya ng mga taong gustong lumapit para makipagkilala sa kanya.
She may look like so creepy, pero wala siyang pakialam, tutal mahilig din naman siya sa mga creepy things. She even dreamt of becoming a Horror film Director someday, kaya pangangatawanan na niya ang pagiging creepy.
Hindi niya masisisi ang mga tao, kung tawagin man siyang baliw. Kung minsan nga feeling niya may tumatawag na sa kanyang "Sisa", hindi niya lang sure kung gano'n nga ba, dahil malapit lang naman kasi 'yon sa palayaw niyang "Sasa".
Naramdaman niya kanina na may mga matang nakatitig sa kanya, sa tapat ng mesa na kinaroroonan niya, sa kanyang peripheral vision ay nakita niyang lalaki ito, ngunit hindi na niya inabala pang tingnan ang buong anyo nito.
Nang mapansin niyang tumayo ito, ang akala niya ay lalapitan na siya, medyo na-distract tuloy siya, mabuti na lang ay tumunog ang phone nito hanggang sa tuluyan na rin itong umalis.
Nang maglakad ito paalis ng library, saka lamang niya ito sinundan ng tingin. Matangkad ito na siguro ay nasa six feet ang taas, marahil ay miyembro ito ng kanilang Basketball Team dahil nakausot din ito ng Jersey at sa likod ng damit nito ay may nakasasulat na Feliciano at ang numero ng damit nito na number three. Malapad ang balikat nito at may maayos na pangangatawan—mukha talaga itong athlete. May kaputian ang balat nito ngunit kung ang mukha nito ang tatanungin—hindi niya alam, dahil hindi niya nasulyapan ang mukha nito. Napailing siya. Kailan pa siya naging mapanuri ng gano'n sa ibang tao?
"KAILANGAN mo nang makilala ang pinsan ko, sa lalong madaling panahon." Sabi ni Raym kay Cyrus. Katatapos lang nang kanilang practice game nang hapon na 'yon at sila na lang ang naiwan sa locker room habang nagpapalit ng damit, at heto nga kinukulit na siya ng magaling niyang kaibigan na makipagkilala na siya sa pinsan nito, bilang consequence sa pagkakatalo niya sa one on one match rito. "Sandali, tatawagan ko siya para tanungin kung nasaan siya, para mapuntahan mo na." Dagdag pa nito, saka nito inilabas ang cell phone sa bag nito at i-di-n-ial ang numero ng pinsan nito. Kapagdaka'y napailing ito dahil hindi daw nito ma-contact ang pinsan nito. "Lagi siyang cannot be reach." Naiiling na sabi nito.
Napangiti siya. Parang ang laki ng problema nito sa pinsan nito e. Tinapik niya ang balikat nito. "I-text mo na lang ako kung alam mo na kung nasaan ang pinsan mo, may pupuntahan lang ako." Aniya. Saka na siya tuluyang lumabas ng locker room.
Narinig niyang tinawag pa siya nito, pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad, hanggang sa makalabas na siya ng gym. May importante lang siyang pupuntahan.
Gusto kasi niyang malaman kung naroon pa rin ba 'yong cute girl sa library—'yong babaeng lagi niyang inaantabayanan. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa library. Ngunit na-disappoint siya nang makapasok siya sa loob at hindi ito makita sa paborito nitong lugar.
Where is she? tanong niya sa kanyang sarili na tila naghihinayang dahil hindi niya nakita o naabutan ito. Na-excite pa naman siyang makita uli ito for unknown reason. Sayang lang ang effort niyang pagpunta doon.
Napabalikwas siya para lisanin na ang lugar, tutal wala naman 'yong babaeng sinadya niya doon. Pero maglalakad pa lang sana siya para lumabas ng silid-aklatan nang makita niya itong pumasok sa loob at nagsimula nang maglakad papunta sa kanyang direksiyon.
Shut up and get lost! Pagbabasa niya sa suot nitong itim na t-shirt. Nakaitim din ito no'ng huli at kung hindi siya nagkakamali, may kung anong nakasulat din sa suot nito noon, hindi lang niya gaanong nabasa.
Napangiti siya sa kanyang nabasa at tila gumaan ang pakiramdam niyang makita ito. Hindi niya alam pero kahit takot yata ito magsuklay, hindi pa rin nagsasawa ang mga mata niya sa maamong mukha nito—'yon lang, ang creepy pa rin ng dating nito. Gayunpaman, hindi mawala-wala ang curiosity niya dito.
Naupo ito sa paborito nitong mesa kaya napasunod na lang siya at naupo rin sa upuan na tapat ng mesa nito. Ano naman kaya ang gagawin nito ngayon? Madidinig na kaya niya kung ano ang ibinubulong nito o kung ano pa man 'yon? Napailing siya sa kanyang sarili, nagpunta lang siya doon para makinig ng bulong nito? Ang weird niya!
"What?"
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig niya itong magsalita—lalo pa at nakatitig na pala ito sa kanya. Napalunok siya. Pero aaminin niyang nagandahan siya boses nito.
Mabilis siyang nakabawi, saka ngumiti dito. "Pwede bang makipagkilala sa 'yo?" tanong niya. Akmang tatayo na siya para lapitan ito nang bigla itong magsalita.
"No!"
Tumabingi tuloy ang ngiti niya.
BINABASA MO ANG
His Creepy Girl (Published under PHR-Completed)
FanfictionPaano ba ma-in love ang isang Creepy girl na takot ma-in love? Hero inspired by the PBA star Cyrus M. Baguio <3