14

3.4K 87 0
                                    

NAKANGITI si Cyrus habang pinagmamasdan si Sasa na nakikihalubilo sa mga batang naroon. Hindi niya ma-imagine na darating ang ganitong araw na makikita niya itong masayang nakikipagbiruan sa mga bata. Nasa Barangay Bactad sila para sa naipangako niyang pagbabalik, dahil hindi siya nakapaglaro sa mga ito last time.

At 'yon na nga, katatapos lang ng kanilang mini-ball game. Masayang-masaya ang lahat ng mga bata dahil nakasama na siyang naglaro ng mga ito. At natutuwa din siya dahil maraming natutunan ang mga ito mula sa kanyang mga lectures no'ng nakaraan.

"Ang ganda naman ng kasintahan mo, Apo."

Nabaling siya sa nagsalitang matandang babae, it was Lola Tinay, ang dating kapitana ng Barangay, na noon ay nasa tabi na pala niya at nakangiti sa kanya. Napangiti din siya dito. "Opo Lola, napakaganda niya." Tumutulong siya noon sa paghahanda ng meryenda para sa lahat, kasama ang mga Nanay ng mga batang estudyante niya.

"Ang swerte mo sa kanya, mukhang mahilig din siya sa mga bata, na gaya mo." Nakangiting sabi ng isang Nanay sa kanya.

"Bagay na bagay kayo, Cyrus." Dagdag pa ng isa.

Kaya abot tainga ang kanyang pagkakangiti. Ang alam ng mga ito ay girlfriend niya si Sasa. "Pero ang totoo po niyan kaibigan ko lang po siya." Pagtatapat niya.

Umugong tuloy ang tuksuhan. "Pero kung magtitigan kayo kanina, aakalain ng sinumang makakakita sa inyo na in love na in love kayo sa isa't isa." Sabi ni Lola Tinay.

Napangiti uli siya. "Sa tingin niyo po?"

Sabay-sabay na tumango ang mga ito. "Oo. Kaya sige na, magtapat ka na! Sasagutin ka naman niya e."

Napahugot tuloy siya nang malalim na hininga dahil sa sinabi ng mga ito. Paano ba naman kasi, never pa siya nakakapag-confess ng nararamdaman niya para sa isang babae, dahil ayaw niyang ma-reject.

No'ng huling beses na kamuntikan na siyang magtapat kay Sasa ay bigla na lang siyang iniwanan nito. Kaya panibagong lakas ng loob na naman ay kakailanganin niya para muling maisagawa 'yon. Napabuga siya ng hangin. Tama ang mga matatanda, siguro ay kailangan na niyang magtapat dito, lalo pa at nagbabadya na ang katunggali niya sa puso nito.

"Si Ate Sasa! Si Ate Sasa!"

Lumipad ang lahat nang iniisip niya nang marinig niya ang batang nagmamadaling lumapit sa kanila. Mabilis siyang napatayo at napalingon sa kinaroroonan ni Sasa—nakabulagta na ito sa semento. Nanlaki ang mga mata niya, saka mabilis siyang napatakbo papunta dito.

Mabilis niyang kinalong ito sa kandungan niya. She's sweating all over.

"What happened?" nag-aalala niyang tanong. Sa hitsura nito ay parang sobrang sakit na sakit ito sa nararamdaman nito. Kaya binuhat na niya ito. "Ano'ng masakit sa 'yo? Ano'ng nararamdaman mo?" kinakabahang tanong niya.

"M-Masakit ang tiyan ko..." Paputol-putol na sagot nito.

"We need to go to the nearest hospital." Aniya. Saka niya hinanap ang driver niya na kasama nila kanina, pero napamura siya dahil wala ito sa loob ng kotse, at ang sabi ng mga tao na nakakita dito ay baka nakikipag-kuwentuhan daw ito sa mga kakilala nito sa Barangay.

Damn! Wala na siyang time para ipatawag o hintayin ito. Mabilis niyang naipasok sa backseat si Sasa. Saka na rin siya mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan at pumuwesto sa driver's seat, saka mabilis na naglagay ng seat belt. Mabuti na lang ay naroon ang susi ng sasakyan niya. Napalunok siya at kinakabahan nang hawakan niya ang manibela.

Oo, takot siyang mag-drive ng sasakyan. Takot siyang humawak ng manibela since nangyari ang aksidenteng 'yon sa harapan niya—where his closest cousin Jay Vince got involved in a car accident, five years ago. Nang itakas nito ang sasakyan ng Daddy nito para ipakita sa mga barkada nito na kaya na nitong magmaneho, pinigilan niya ito noon, ngunit nagmamadaling minaneho nito ang sasakyan, sa huli ay hindi nito napansin ang paparating na malaking sasakyan habang umaatras ang minamaneho nito—at dead on arrival ito no'ng isugod nila sa hospital, pareho lang silang fifteen years old noon.

His Creepy Girl (Published under PHR-Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon