"MUKHANG masayang-masaya ka yata 'tol ah." Puna ni Raym sa nakangiting si Cyrus. Nasa gym siya nang umagang 'yon para manuod ng practice game ng kanilang team, hindi pa kasi siya pwedeng makisali sa mga ito, dahil naka-cast pa ang braso niya.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Oo naman."
Tinabihan siya nito sa kinauupuan niya, saka siya inakbayan. "'Tol, may kinalaman ba ang pinsan ko sa pagngiti mong 'yan? Ngayon lang kasi kita nakitang ganyan kasaya e." puna nito.
Pinigil niyang matawa sa sinabi nito, paano ba naman kasi—sapul na sapul siya sa sinabi nito. Oo, si Sasa nga ang dahilan ng kaligayahan niyang 'yon. Nagsimula na kasi ang 'pag-aalaga' sa kanya ni Sasa, at ito na mismo ang nagpasya niyon nang hindi niya pinipilit, kaya ano pa nga ba ang magagawa niya. Napangiti uli siya.
Nagulat nga siya nang gabing sabihin nitong aalagaan siya nito, dahil hindi niya inaasahang sasabihin nito 'yon. Ang astig! He was never been this happy, ang gaan tuloy nang pakiramdam niya, tila bale-wala na sa kanya ang casted arm niya, kasi mas nangingibabaw ang kasiyahan niya.
"Sekreto 'tol." Nakangiting sagot niya sa kaibigan.
Napailing ito saka tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya. "At nagsi-sikreto ka na rin ngayon ha, iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig." Tukso nito sa kanya. "Akala ko ba ang girls ang nai-in love sa 'yo, never kong na-imagine na ikaw—mai-in love—at sa pinsan ko pa—"
Mabilis niyang tinakpan ng kaliwang kamay niya ang bunganga nito. "Huwag ka ngang maingay. Saka sino bang may sabi na in love ako? Masaya lang ang isang tao, in love na agad?" nakangiti at naiiling na sabi niya dito. Tinanggal nito ang kamay niya sa bunganga nito.
"Oo na, hindi na kung hindi. Guilty!" Natatawang sabi nito.
"Baliw!" naiiling na sabi niya.
"Basta 'tol, ito usapang lalaki ha, alam ko may pagka-weird at creepy ang pinsan kong 'yon, pero sana huwag mo siyang sasaktan. Mahina pa 'yon pagdating sa pain."
Nagtaka at na-curious siya sa sinabi nito. Bakit ito mahina pagdating sa pain? Nasaktan na ba ito noon? Sinong gumawa? Naikuyom niya ang kanyang kaliwang kamay.
"Kaya ba ayaw makipaglapit ni Sasa sa ibang tao, dahil natatakot siyang baka masaktan lang siya uli? Sino ang taong nanakit sa kanya? Sino ang rason ng kalungkutan ni Sasa?" Parang sa mga sandaling 'yon ay gusto niyang saktan ang taong nagdulot nang matinding sakit kay Sasa.
Dahan-dahang tumango si Raym. "She once hurt by the person she trusted and loved the most. At dahil nag-aalala na kami ni Tita na baka maging forever aloof at mawalan na siya ng social life, kaya nakiusap ako sa 'yo na kaibiganin siya. Thank you for not giving up on her." Anito.
Ngayon alam na niya kung bakit nagkaka-gano'n si Sasa. Kung sino man ang taong nanakit nang husto kay Sasa, sana ay maisip nito na hindi dapat sinasaktan si Sasa—she is like a precious gold, na kailangan i-treasure.
Umiling siya. "Hindi ko ginawa ang mga ginawa ko dahil sa usapan natin," he said. "I did those things dahil ginusto ko 'yon ng buong puso."
Ngumiti ito at tumango. "I know," he answered. "Kahit may pagka-happy-go-lucky ka at hindi seryoso sa mga bagay-bagay, malaki pa rin ang tiwala ko sa 'yo."
He laughed. "Oo na, kaya huwag mo na akong bolahin. Galingan mo na lang sa practice game." Aniya.
Tumawa rin ito. "Alam ko rin na may allergy ka sa commitment, pero 'tol, hindi naman masama magka-girlfriend e. Nakaka-inspire pa nga e." dagdag pa nito, bago nito tinapik ang balikat niya at tuluyan nang bumalik sa court dahil magsisimula na uli ang practice game ng mga ito.
Napaisip siya sa sinabi nito. Takot nga ba siya sa pakikipag-commit? Kaya kahit ano pang pagma-match make na gawin sa kanya ng Daddy niya ay hindi siya pumapayag? 'Tulad na lang no'ng nakaraang araw—kay Kristine, dinahilan niya sa Daddy niya na may nagugustuhan na siyang ibang babae.
"Heto na ang hotdog sandwich mo!"
Nakangiting binalingan niya ang taong nagsalita sa gilid niya—it was Sasa, na may hawak na footlong hot dog sandwich at softdrinks. Nagparinig siya kanina dito na nagugutom na siya, mabuti na lang at hindi naman pala manhid si Sasa gaya nang iniisip niya.
"Maupo ka na muna." Nakangiting pinampag niya ang katabing upuan niya.
"Hindi na, inihatid ko lang naman 'tong pagkain mo e, babalik na rin ako sa library." Anito.
Umiling siya. "Manood ka muna ng practice game, saka samahan mo na rin akong kumain nito, ang laki ng sandwich e, 'di ko kayang ubusin mag-isa." Nakangiting sabi niya. "Magkano nga pala ang babayaran ko?"
Umiling ito. "Hindi ako mahilig manood ng Basketball, saka huwag mo nang bayaran, mura lang naman 'yan."
"Kung gano'n, hati na lang tayo."
Umiling uli ito. "Busog pa ako."
Lihim siyang napailing. Mukhang idinaan lang talaga nito ang pagkain niya at wala talaga itong kabalak-balak na manatili doon.
"Dito ka muna. Gusto ko kasing nakikita ka, feeling ko kasi nawawala ang sakit ng braso ko kapag nandyan ka." Nakangiting sabi niya. pero hindi naman talaga sumasakit 'yon.
Saglit itong hindi nakapagsalita, nakita niyang namula ang mukha nito. Napangiti siya, dahil tila naapektuhan ito sa sinabi niya, at least hindi na ito maputla, nagkakulay na ang mukha nito.
"Ang keso mo Feliciano!" Sigaw ni Jaihiro.
Tumigil na pala ang mga ito sa paglalaro at buong atensyon na nanunood sa kanila ni Sasa. Nag-init tuloy ang mga tainga niya.
"So, in love ka na sa lagay na 'yan Feliciano?" sigaw naman ni Ralf Andrew.
Nakita niyang napailing at napangiti ang Coach nilang si Coach Luis at iba pang mga kasamahan nila sa Team.
"Naku, mukhang mapapasakamay na namin ni Jim ang signatured ball and jersey mo." Singit pa ni Bash.
Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Hoy, hindi ako um-agree sa usapang 'yon!" baling niya. "Mag-practice na nga lang kayo!" Napailing siya sa mga ito.
Inilapag ni Sasa ang pagkain niya sa katabing upuan. "Aalis na ako." anito at akmang aalis na ito nang hawakan niya ang kamay nito.
Tila nakaramdam siya nang malakas na kuryenteng nanulay sa sistema niya sa pagkakadaiti ng balat nito sa kanya, naramdaman din siguro nito 'yon kaya mabilis nitong binawi ang kamay nito sa kanya. Napatitig siya rito na tila na-tuod sa kinatatayuan nito.
"Sasa?" agaw-atensyon niya dito.
Kung hindi pa siya tumayo sa harapan nito at hinaplos ang pisngi nito ay hindi pa ito gagalaw—yeah, he was tempted to touch her beautiful innocent and lovely face, kaya nahaplos niya 'yon nang 'di oras.
Napaatras ito sa kanya—at nanlaki ang mga mata niya nang muntik na itong matumba dahil sa nakaharang na water cooler na nasa likuran nito. Mabuti na lang at mabilis siyang nakakaalalay dito, nahawakan ng kaliwang kamay niya ang baywang nito.
BINABASA MO ANG
His Creepy Girl (Published under PHR-Completed)
Fiksi PenggemarPaano ba ma-in love ang isang Creepy girl na takot ma-in love? Hero inspired by the PBA star Cyrus M. Baguio <3