KATATAPOS lang manood ng horror movie ni Sasa sa kanyang dvd player na may pamagat na 'A nightmare on Elm Street' nang hapong 'yon. Paborito niya ang movie na 'yon dahil every other week niya 'yon pinapanood, isa sa mga paborito niyang horror character si Freddie Kreuger at pinangarap niya na balang araw ay makagawa din siya ng ganito kagandang movie.
Isasalang na sana niya ang susunod na cd na panunuorin niya nang biglang kumatok ang Mama niya sa harapan ng kuwarto niya, mabilis siyang tumayo sa kinauupuan niya para pagbuksan ito ng pintuan.
"Hija, sabado ngayon, wala kang klase, ayaw mo bang mamasyal? Sayang ang ganda pa naman ng panahon." Nakangiting sabi nito.
Pinilit niyang ngumiti dito. Saka siya lihim na napabuga ng hangin. Bigla niyang naikuyom ang kanyang mga kamay, her poor Mom, pinatatag niya ang kanyang sarili para hindi maiyak sa harapan nito, hindi kasi niya maiwasang masaktan para dito.
Oo at nakikita niya itong nakangiti sa harapan niya, pero alam niya na sa loob-loob nito ay napakalungkot nito. Alam niyang sobrang nasasaktan ito, doble pa sa nararamdaman niya—iyon ay dahil sa kanyang Papa. Ang sakit na nararamdaman nila ng kanyang Mama ay kasalanan lahat ng kanyang Papa.
He used to be a good, loving and responsible father to her and a faithful husband for her mother, but things had changed when he left them. Umalis ang Papa niya three years ago, para magtrabaho sa States, specifically sa California bilang Architect sa isang firm.
Nang unang tatlong buwan nito doon ay madalas itong tumatawag sa kanila every week para magbalita at kumustahin sila ng Mama niya. Masaya sila para sa Papa niya, dahil mukhang masaya at mahal nito ang trabaho nito doon.
Hinintay nilang muli ang tawag nito nang sumunod na linggo dahil excited na sila na marinig uli ang boses at mga kuwento nito. But sadly, wala silang na-receive na tawag mula sa kanyang Papa. Hindi nila naiwasang mag-alala dito, dahil hindi naman nito nakakaligtaan ang tumawag sa kanila every week para magbalita.
Hinintay nilang lumipas ang ilang araw, dahil baka abala lamang ito sa malaking proyektong nitong ginagawa, pero sa kasamaang palad ay wala pa rin silang natanggap na tawag mula dito.
Hanggang sa sila na ng Mama niya ang sumubok na mag-overseas call sa Papa niya, para kumustahin ito dahil hindi na ito nakakatawag sa kanila, ngunit pati ang ginagamit nitong numero na pantawag sa kanila ay laging out of coverage, nakailang subok din sila, ngunit wala pa rin.
Sa labis na pag-aalala nila ng Mama niya ay sinubukan na nilang tumawag sa firm na pinagta-trabahuan ng Papa niya, ngunit pati raw ang mga ito ay wala ring balita kung nasaan ito dahil wala naman ito sa tinitirahan nito at hindi din daw ma-kontak ng mga ito ang Papa niya.
Every night ay halos hindi makatulog ang Mama niya sa pag-aalala sa Papa niya, nasaan na kaya ito? Ano na kaya ang nangyari dito? Hindi na nila alam ang kanilang gagawin o kung sino'ng tatawagan.
Isang araw, naisipan nila ng Mama niya na sundan ang kanyang Papa sa States para hanapin ito, ngunit nanlumo sila sa kaalamang ultimo mga pulis na tinawagan nila sa presinto doon ay walang balita sa Papa niya.
Masyadong malawak ang California para maghanap sa Papa niya. Palibhasa ay wala silang kamag-anak o kaibigan doon, para sana tumulong sa kanila. Wala din kasing malapit na kaibigang maituturing ang Papa niya doon dahil kakasimula pa lang nito sa trabaho, kaya wala silang makuhanan nang sapat na impormasiyon.
Muli pa silang naghintay ng mga araw, nagbabakasakaling baka tumawag na ito, hanggang sa unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Sinabi ng Mama niya na magpahinga na muna sila sa paghahanap.
BINABASA MO ANG
His Creepy Girl (Published under PHR-Completed)
Fiksi PenggemarPaano ba ma-in love ang isang Creepy girl na takot ma-in love? Hero inspired by the PBA star Cyrus M. Baguio <3