20

6.8K 135 14
                                    

Tumulo agad ang mga luha sa kanyang mga mata dahil na-miss din niya ito nang husto. Mabilis siyang napabaling dito para gantihan dito ito nang yakap.

"I've missed you too." Aniya.

Naramdaman niyang mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. "Akala ko kaya mo ako binigyan ng isang linggong pagsubok ay para makasama ang ibang lalaki." Bulong nito na ikinagulat niya, kaya pinilit niyang kumawala sa yakap nito para mag-explain pero hindi siya binitiwan nito. "You don't need to explain, naipaliwanag na lahat sa akin ni Kiefer, nang sundan ko kayo sa bahay nila at inalok niya ako ng one on one game, kung saan ko din siya tinalo." Saka niya ito narinig na tumawa nang marahan.

"Sinundan mo kami sa bahay nila?" aniya, naramdaman niyang tumango ito. "Kung gano'n alam mo na din ang tungkol sa lahat nang nangyari sa amin ng Papa ko?" Tumango uli ito. Napangiti siya saka napahawak sa mga braso nitong nakayakap sa kanya.

"Oo, sinundan ko kayo kasi nag-expire na 'yong time nang usapan natin, pero hindi lang ako natuloy na makipagkita sa 'yo dahil sinabi nga ni Kiefer na busy ka pa sa Papa mo, kaya hinayaan na lang muna kita, kailangan niyo ding ma-solo ang isa't isa para makabawi sa mga oras na hindi niyo kapiling ang isa't isa. Pero alam mo ba na sa pagkakawalay ko sa 'yo nang halos isang linggo, mas lalo ko lang na-realize sa sarili ko na mas lalo pa kitang minamahal. Seryoso ako sa 'yo kahit mag-undergo pa tayo ng bypass operation sa mga sandaling ito, para malaman mong ikaw lang ang nilalaman ng puso ko." Anito. Napangiti siya. "And Sasa, gusto ko ng makilala ang Papa mo, kasama na rin ng Mama mo, para mapasalamatan sila sa pagkakasilang ng isang cute na katulad mo." Malamyos na sabi nito. "At sana balang-araw makalaro ko ang Papa mo ng Basketball."

Napangiti siya. "Naku, si Papa ang kilalang Johnny Abarrientos ng Basketball team nila noon, kaya kung gusto mo manalo, mag-practice ka na nang mabuti, malapit nang gumaling si Papa."

Narinig niyang tumawa ito. "Sure. I'll do that."

"Teka..." aniya, saka siya nagpumilit na kumawala dito. Mabuti naman this time ay hinayaan na siya nito. "Sino 'yong si Saddy na ka-date mo ngayon?" namaywang siya sa harapan nito.

Tumawa ito, saka kinurot ang kanyang pisngi. "Ang cute mo!" ngumiti lang ito.

"Sino nga?" ulit niya.

"Ikaw!"

"Ako?"

"You're my Saddy—my Sadako loves." Nakangiting sabi nito.

"What?"

"And I'm your Freddie Kreuger." Biro nito, saka ito natawa.

Natawa din siya. "Ginawa mo pang mag-love team ang dalawang 'yon." Naiiling na sabi niya.

"You know what? I've watched a horror movie a few days ago."

"Hindi ka natakot?"

Umiling ito. "Hindi naman talaga ako takot, nagpapanggap lang akong takot para makalapit sa 'yo." Anito, na ikinangiti niya. "Pero nakakatakot pala talaga si Freddie Kreuger. Kaya gusto kong mapanood ang dalawang 'yon in a romance-horror film, para maiba naman." suhestyon nito.

Natawa uli siya. "Oh! I would love to see that, a romance-horror movie."

"Oo at ikaw ang magdi-direct." Nakangiting sabi nito.

"Sakto, mag-di-direct ako ng isang play sa School, next week. Paghahandaan ko 'yang suhestyon mo." Nakangiting sabi niya. Ngayon, hindi na niya pangingilagan ang mag-direct ng mga love story. Makakaya na rin ng powers niya ang manood at magbasa ng mga romantic love stories ngayon.

Tumango ito. "Ipag-chi-cheer kita!"

Napangiti uli siya. Akmang hahampasin niya ang braso nito nang biglang hawakan nito ang kanyang kamay, saka siya hinila under the Basketball rim.

His Creepy Girl (Published under PHR-Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon