NAPABUGA ng hangin si Sasa habang binubuklat ang aklat na hawak niya, nasa library siya no'n para makaiwas sa mga istorbong gusto siyang istorbuhin. Katulad na lamang ng lalaking sumusunod kanina sa kanya, kung tama siya nang pagkakarinig, Cyrus Feliciano ang ipinakilala nitong pangalan sa kanya.
Feliciano? Sa isip niya. Para kasing pamilyar sa kanya ang apelido nito. Napaisip siya saglit, hanggang sa biglang lumitaw sa isipan niya kung saan niya ito nakita. Tama! Ito rin 'yong lalaking nakasuot ng jersey na gustong makipagkilala sa kanya no'ng nakaraang araw sa Library.
Napatititig siya sa mukha nito kanina at napansin niyang napakaamo nitong tingnan, kahit na may pagka-hambog ito. Aakalain ng sinuman na sa unang sulyap dito ay isa itong movie actor o 'di kaya isang modelo, dahil sa taglay nitong kaguwapuhan, na naiiba sa lahat ng mga lalaki na nakikita niya sa kanilang Campus, maganda ang mga mata nito na nakaka-concious kung tumingin, matangos ang ilong, perfect at mapupula ang mga labi, makinis ang mukha at balat nito, fresh-faced, nakita din niya ang maliit na star na tattoo sa bandang leeg nito. Animo'y bagay na bagay dito ang maging bida sa isang action film, dahil very manly ang dating nito at idagdag pa ang nakakatunaw na mga ngiti nito, malamang papatok sa takilya ang pagbibidahang pelikula nito. Napailing siya sa pagpupuri niya sa lalaki.
Paano niya nalaman na mahilig ako sa lollipop? nagtatakang tanong niya sa kanyang isipan. Pero ang rude yata niya kanina, hindi man lang siya nakapagpasalamat nang biglang agawin niya ang lollipop dito.
Hindi naman siya gano'n kasama, hindi lang niya matagalan ang presensiya ng lalaking 'yon sa harapan niya. Pinangingilagan siya ng lahat ng mga estudyante sa Campus nila, dahil sa ikinikilos niya, pero tila hindi apektado ang lalaking 'yon sa kanya o baka naman hindi lang nito alam ang tungkol doon.
"Hello!"
Napaangat siya ng tingin sa nagsalita sa harapan niya. Napamaang siya. Ang lalaking ito na naman ang kaharap niya! Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito at muling inabala ang sarili niya sa pagbabasa. Hanggang sa maramdaman niyang umupo ito sa parehong mesa. Nang hindi na siya nakatiis ay binalingan na niya ito para ipagtabuyan palayo.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" diretsang tanong niya.
Nagtatakang napatitig ito sa kanya. "Bakit naman ako matatakot sa 'yo? Eh cute mo nga." Anito, saka siya nginitian. Kumabog ang puso niya dahil sa sinabi nito, kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Kaya niya ito iniwan kanina, kasi may something sa mga pag-ngiti-ngiti nito na hindi niya alam, baka mamaya matagpuan na lang niya ang kanyang sarili na na-hook na sa mga ngiti nito, hindi pwede! "Kaya ka ba nagpapanggap na nakakakita ng mga multo o kumakausap ng mga 'yon para layuan ka ng mga tao?" tanong nito. Saglit siyang hindi nakakibo at napalingon uli dito. Paano nito nalaman 'yon? Sa pagkakaalam niya ay siya lang ang nakakaalam sa bagay na 'yon, hindi kaya nakakabasa ito ng isipan? "Kung sa tingin mo ay lalayuan kita dahil sa ginagawa mo, nagkakamali ka." He flashed his killer smile, once again.
OMG! Oh my ghost! "Bakit ako? Bakit gusto mong makipagkaibigan sa akin? Ang dami naman ibang mga babaeng mukhang nagkakandarapa sa 'yo dyan sa tabi-tabi. Unless nasisiraan ka na ng bait." Aniya.
Ngumiti uli ito. "Dahil kakaiba ka sa kanila."
Kakaiba? "Yeah right, dahil creepy and weird ako."
"No, it's not that. Dahil ikaw ang pinaka-cute sa lahat." biglang gumalaw ang kamay nito at dahan-dahang lumalapit 'yon sa mukha niya—tila tumigil ang kanyang paghinga nang ayusin nito ang nakatabing na buhok sa kanyang mukha na hindi na niya inabala pang ayusin kanina. Bumilis ang tibok ng puso niya. Pagkatapos nitong ayusin ang buhok niya ay may kung ano itong inilabas sa bulsa nito. Lollipop uli. "Gusto mo pa? Masarap 'to."
Wala sa sariling inabot niya ang isang pirasong lollipop na hawak nito. "S-Salamat." Nagulat siya nang bigla na lamang niyang marinig 'yon na mula sa kanyang sariling bibig.
"Welcome." Nakangiting sabi nito. "Hindi ka naman pala gano'n ka-creepy, weird at may sariling mundo na sabi ng pinsan mo, dahil kumakain ka pa rin naman ng mga pagkain ng normal na tao."
Napatigil siya sa pagbubulsa ng lollipop dahil sa sinabi nito. May kinalaman si Raymark Sanchez sa pakikipagkilala nito sa kanya? Napailing siya. Hula niya ay siguro nakiusap ang pinsan niya sa lalaking ito para kaibiganin siya. Alam niya 'yon dahil kilalang-kilala niya ang pinsan niya. Napailing siya. Ang hopeless talaga ng pinsan niya!
"Kung nakikipagkaibigan ka dahil nakiusap ang pinsan ko sa 'yo, nagsasayang ka lang ng panahon." Aniya. Tumayo na siya at akmang maglalakad para iwanan ito, nang bigla itong magsalita.
"No! Actually gusto na kitang makilala noon pa, kung 'di mo napapansin, lagi din ako dito sa library para makita at makilala ka, e nagkataon na pinsan ka rin pala ni Raym, ang swerte ko lang." Nakangiting sabi nito. "Uhm, can we be friends now?"
"No!"
Saka na siya tuluyang umalis doon. Kahit napaka-inosente at totoo nang pagkaka-alok nito ng pagkakaibigan sa kanya ay muli pa rin niyang tinanggihan ito, hindi dahil ayaw niya, kundi dahil baka maakit na siya nang tuluyan sa mga ngiti nito. No way!
BINABASA MO ANG
His Creepy Girl (Published under PHR-Completed)
FanfictionPaano ba ma-in love ang isang Creepy girl na takot ma-in love? Hero inspired by the PBA star Cyrus M. Baguio <3