NANLAKI ang mga mata ni Sasa dahil sa ginawang pagsalo ni Cyrus sa kanya, dahil doon ay mas lalong naglakapit ang kanilang mga katawan at mukha. Kumabog at tumibok nang mabilis ang puso niya dahil titig na titig ang magagandang mga mata nito sa kanya, she could feel his warmth menthol breath.
Mabilis siyang napatayo nang maayos saka siya lumayo agad dito. Mabuti na lang at tila wala namang naka-saksi sa nangyaring 'yon sa kanila.
"She hugged him!"
"No. He hugged her!"
"Sino ang babaeng 'yon?"
"Argh! I hate her!"
Nabaling ang atensyon niya sa mga babaeng narinig niyang nagsalita, na nasa parte ng general admission. Tinititigan siya ng tatlong mga babaeng ito nang napakatalim, kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa mga ito.
Ang buong akala niya ay walang nakakita sa kanila, nagkakamali siya, dahil naroon pala ang ibang mga fans ni Cyrus. Wala kasing gaanong tao noon sa gym, ang akala tuloy niya ay hindi pwedeng manood ng practice game ang mga fans.
"Aalis na ako." aniya.
"Paano ako kakain?" malungkot na sabi nito, saka ito lumabi at muling umupo sa upuan nito.
Nagtatakang napatitig siya dito. "Anong ibig mong sabihin?" aniya.
"I think I hurt my left arm when I caught you. Eh injured ang right arm ko, paano na ako kakain?"
Napanganga siya sa sinabi nito. Kung gano'n, kinakailangan pala niyang subuan pa ito, dahil nasaktan ang kaliwang kamay nito sa pagsalo sa kanya. Marahil ay na-stretch 'yon nang husto sa paghabol sa kanya para hindi siya matumba.
Fine! Para matapos na! Kinuha na niya ang pagkain nito na nasa upuan, saka siya umupo doon. Nakangiti ito nang balingan niya at naka-ready na ang bunganga nito para subuan niya. Napailing na lang siya saka mabilis na sinubuan ito. Good luck naman sa kanya, mamaya aabangan na lang siya ng mga fans nito sa labas, dahil sa pinaggagagawa niya.
"MEET KIEFER Sandejas, anak siya ng isa sa mga kaibigan ko. Magka-edad lang kayo at napadalaw siya dito sa atin para makilala ang unica hija ko at dalhan tayo ng prutas, ang sweet niyang bata, 'di ba?" Nakangiting pakilala ng Mama niya sa bisitang nabungaran niya na nasa kanilang sala pagdating niya mula sa School.
Ayaw niyang maging rude sa harapan ng Mama niya, kaya tinanggap niya ang pakikipagkamay ni Kiefer sa kanya. He is tall, dark and handsome na parang young version ni Richard Gomez. Gayunpaman, wala itong dating sa kanya, unlike Cyrus Feliciano. Napailing siya dahil sa naisip niya. Unti-unti na yatang napapasok ng Cyrus virus ang utak niya.
"Hello, kumusta?" nakangiting bati ni Kiefer sa kanya.
"Mabuti naman." Aniya.
"You are so cute." Nakangiting sabi nito.
"Hindi naman." Aniya.
Ang weird! Dahil no'ng sinabihan siyang cute ni Cyrus ay gano'n na lang kabilis ang tibok ng puso niya, pero dito ay tila walang epekto. Teka, ano bang nangyayari sa kanya? Naalala pa niya ang sinabi ni Cyrus kanina.."Dito ka muna. Gusto ko kasing nakikita ka, feeling ko kasi nawawala ang sakit ng braso ko kapag nandyan ka."
Halos magbuhol ang small at large intestines niya at lumabas na rin sa ribcage niya ang puso niya sa lakas ng kabog no'n dahil sa sinabi nito. Hindi kaya sintomas na 'yon ng pagkabaliw? Ibig sabihin ba no'n ay nababaliw na siya? Napailing siya! Hindi pwede. Hindi pwedeng mabaliw siya dahil dito.
Pero ito pa lang ang kauna-unahang lalaking nakagawa sa kanya ng gano'n. She never felt like this before. Never!
Gutom lang 'to! naiiling na sabi niya sa sarili. Nagpaalam na siya sa kausap niya para makapagpahinga na, bago tuluyang umakyat sa kanyang kuwarto. Nang makapasok na siya sa loob ng kuwarto ay mabilis niyang binuksan ang strawberry flavoured lollipop na galing sa bag niya. Ito pa 'yong lollipop na ibinigay sa kanya ni Cyrus.
Nanlaki ang mga mata niya. Saka mabilis na binuksan ang kanyang bintana at mabilis na ibinato ang lollipop doon, lahat na lang kasi—nakakapagpaalala sa kanya kay Cyrus.
BINABASA MO ANG
His Creepy Girl (Published under PHR-Completed)
FanfictionPaano ba ma-in love ang isang Creepy girl na takot ma-in love? Hero inspired by the PBA star Cyrus M. Baguio <3