NAPAILING si Cyrus dahil sa naging kasagutan ng dalaga sa alok niyang pakikipag-kilala dito. Tila napingasan ang kanyang kaguwapuhan dahil sa ginawa nitong harap-harapang pangre-reject sa kanya. He is Cyrus Feliciano, the famous Basketball Heartthrob, pero dinedma lang ng babaeng 'yon.
Huminga siya nang malalim saka napabuga ng hangin. First time na may mag-echapwera sa kanya. Paano kasi, sanay na siyang laging dinudumog, pinagkakaguluhan at pinagtutuunan ng pansin nang karamihan.
Pero kanina, siya na nga itong nagpakumbaba para makipagkilala dito, ito pa ang may ganang mambalewala sa kanya. Siguro ay may katarata ito kaya hindi nito nakita ang kaguwapuhan niya.
Hindi na niya ito muling lalapitan o pupuntahan para kausapin, kahit magmakaawa pa ito sa kanya in the future. Natapakan na nito ang kanyang pagkalalaki. Mabuti na lang at walang gaanong tao sa kinaroroonan nila noon, kung hindi ay baka wala na siyang mukhang maihaharap sa lahat.
Ang mabuti pa siguro ay hanapin na lang niya si Sarah Samantha Sanchez o si Sasa, ang pinsan ni Raym na gusto nitong makilala niya at maging kaibigan. Ang imporma ng kaibigan niya ay mas bata daw ito sa kanila ng isang taon, nineteen years na old ito, kumukuha ng kursong AB Digital Filmmaking at nasa third year na.
Ang sabi ni Raym ay hintayin na lang daw niya ang pinsan nito sa lobby ng building nito. Makikilala naman daw niya agad ang pinsan nito dahil lagi itong nakasuot ng black printed t-shirt, mahaba ang buhok nito, maputi at cute. Parang si Creepy girl. Sabi ng isipan niya.
HABANG naghihintay siya sa lobby ng building ng pinsan ni Raym ay halos dumugin na siya ng mga babaeng naroon para makapag-pa-picture sa kanya. As a true-blue gentleman, pinagbigyan naman niya isa-isa ang mga ito. Hindi tuloy niya alam kung nasa harapan na ba niya ang pinsan ng kaibigan, dahil marami namang mga babaeng mahahaba ang buhok na nakasuot ng itim at printed na damit, palibhasa hindi sila nagsusuot ng uniform sa School nila, kaya malaya silang magsuot ng anumang damit na naisin nilang isuot.
Umaga lang ang klase niya nang araw na 'yon at mamaya pa ang practice game nila, kaya para matahimik na ang makulit niyang kaibigan, makikipagkilala na siya sa pinsan nito at yayain na din itong mag-lunch together.
Ngunit halos tatlumpong minuto na siyang naghihintay doon at halos mangawit na siya kakangiti dahil sa pagpapa-picture ng mga tagahanga niya ay hindi pa niya nakikita o nakikilala si Sasa. Baka abutin na siya ng hapon doon. Kaya hindi na siya nakatiis at nagtanong na siya sa mga naroon.
"May kilala ba kayong Sarah Samantha Sachez?" nakangiting tanong niya sa mga babaeng kaharap niya.
Tumango at ngumiti ang mga babaeng nasa harapan niya, na ikinahinga niya nang maluwag. "Bakit? Kilala mo ba siya?" nagtatakang tanong ng isang babae.
"Sa pangalan lang." Sagot niya.
Nagpatango-tango naman ang mga ito. "Akala namin kaibigan mo na ang weird at creepy girl na 'yon e." sabi ng pangalawang babae.
"Si Sasa, weird at creepy?" tanong niya. Parang si Creepy girl lang talaga.
Tumango ang mga ito. "I think she already lost her sanity. Mas bagay sa kanya ang pangalang Sisa kaysa Sasa." Sabi ng pangatlong babae. Saka nagtawananan ang mga ito.
"I once heard her saying that she can see dead people. Yay! So creepy, really!" anang pang-apat na babae na parang kinilabutan pa.
"Yeah, baliw talaga siya. Nakakatakot!"
Ngunit nawala ang atensyon niya sa sinasabi ng mga ito nang makita niya ang pamilyar na babaeng dumaan sa likuran ng mga kausap niyang babae.
Si creepy girl! What is she doing here? Anang isipan niya.
"Siya! That girl is Sasa Sanchez." Sabay turo ng mga babae sa babaeng naglalakad sa lobby.
Napakunot ang noo niya sa pagtataka. Ano nga uli ang sinabi ng mga babaeng kaharap niya?
"Nasaan si Sasa?" pagkukumpirma niya.
Sabay-sabay namang itinuro ng mga ito ang babaeng ayaw na niyang lapitan pa kahit na kailan, dahil sa pang-i-snob na ginawa nito sa kanya no'ng nakaraang araw. Yeah, ang babaeng sinasabi niyang Creepy girl at si Sasa na pinsan ni Raym ay—iisa!
Kung kailan niya napag-desisyonan na huwag na itong lapitan, saka naman sila mas lalong pinaglalapit ng tadhana, dahil ito pala ang babaeng sinasabi ng kaibigan niya. Napabuga siya ng hangin.
"Sige girls, salamat." Paalam na niya sa mga kausap niya, ayaw pa siyang paalisin ng mga ito, pero pinalusot na lang niyang may laro pa sila, kaya sa huli ay pinayagan din siya.
Mabilis niyang sinundan si Sasa kung saan ito pupunta. Ayaw na sana niyang lapitan ito dahil baka i-snob-in lang uli siya pero wala na rin siyang magagawa dahil nakasunod na ang mga paa niya dito, na mukhang may sariling mga isip.
Mabilis siyang naglakad para unahan ito. Kapagdaka'y sumandal siya sa pader saka namulsa sa kanyang pantalon, para kapag nakita siya nito ay maa-astigan ito sa kanya. Pero nalaglag ang kanyang panga nang lagpasan lang siya nito at hindi man lang tinapunan ng tingin. Napakunot-noo siya. Hindi ba siya nakita nito? May sira talaga ang mga mata nito!
"Hey!" agaw-atensyon niya dito, pero dead-ma pa rin dahil nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Hanggang sa harangan na niya ito sa daraanan nito, doon lang din ito napatigil sa paglalakad. Hindi pa rin ito kumikibo pero nakatitig na ang magagandang mga mata nito sa kanya. "I presume you're Sarah Samantha Sanchez?" tanong niya dito.
Tila nagulat ito dahil alam niya ang buong pangalan nito o baka naman nagtataka ito dahil may isang guwapong katulad niya na nakikipag-usap dito. Napangiti siya sa kanyang naisip.
"Kilala ba kita?" anito in a monotone. At sa gawi nang pagtitig nito sa kanya ay tila may mabigat siyang kasalanan na ginawa dito. Nakakatakot ang ginagawang pagtitig nito sa kanya, pero bakit ang cute pa rin nito?
"I'm Carlos Russel Feliciano, but you can call me Cyrus Feliciano." Pagpapakilala niya. saka niya inilahad ang kamay niya dito, pero hindi nito inabot 'yon para kamayan siya, kaya dahan-dahan din niyang ibinaba 'yon. Nagpapasalamat siya dahil wala ang mga kaibigan niya doon, dahil kung hindi ay baka pinagtawanan na siya ng mga ito dahil sa mga rejections na natatamo niya mula dito.
"What do you want from me?" diretsang tanong nito.
"You and your friendship." Aniya, saka siya ngumiti dito.
Pero tumabingi ang ngiti niya nang mabilis itong lumayas sa harapan niya. Napabuga siya ng hangin. Punong-puno na talaga siya dito! Pero hindi siya patatalo dito, ito pa lang kasi ang kauna-unahang babaeng nakagawa sa kanya ng gano'n, hindi siya makakapayag.
"Hey!" sinundan uli niya ito, saka mabilis na humarang sa daraanan nito.
"Bakit mo ba ako sinusundan? Stalker ka ba?" tanong nito.
"Hindi ako stalker, cute ako, kaya mas tamang isipin mo na isa akong admirer." Saka niya ito inalayan nang nakakatunaw na ngiti. Hah! Ewan ko pa kung hindi ka talaban ng heart-melting na ngiti ko.
"Tss.." sabi lang nito, saka uli ito nag-walk out.
Naikuyom niya ang kanyang dalawang palad. Sumusobra na ito. "Hey wait!" this time ay humarang uli siya sa daraanan nito at hindi na niya ito patatakasin pa. "You want these?" inilabas niya mula sa kanyang bulsa ang dalawang piraso ng Strawberry flavor na Chupa chups lollipop—na ayon sa kaibigan niya na pinsan nito ay paborito daw nito at mahirap nitong i-resist.
Napangiti siya nang makita niyang nagningning ang mga mata nito at tila nagpipigil na itong abutin ang hawak niyang lollipops. So childish but cute. Sa isip niya. Hindi siya nakakibo nang bigla na lang nitong agawin ang dalawang piraso ng lollipop sa kamay niya, saka muling naglakad palayo sa kanya. Napamaang siya. Hindi man lang ito nagpasalamat sa kanya.
Napailing siya. Mukhang mahihirapan siyang kaibiganin ito at mukhang tama rin si Raym sa sinabi nitong hindi i-epekto ang charms niya dito. Pero simula pa lang naman ito, natatabingan pa nang mahabang bangs nito ang mga mata nito, kaya hindi nito makita ang taglay niyang kakisigan.
Hindi siya padadaig dito, ayaw niyang malaman ng mga kaibigan niya na gano'n-gano'n lang siya i-snob-in ni Sasa.
BINABASA MO ANG
His Creepy Girl (Published under PHR-Completed)
ФанфикPaano ba ma-in love ang isang Creepy girl na takot ma-in love? Hero inspired by the PBA star Cyrus M. Baguio <3