TUMINDIG ang lahat ng balahibo sa katawan ni Cyrus, habang pinapanood niya si Freddie Kreuger sa harapan ng laptop niya. He downloaded Sasa's favorite horror movie 'A nightmare on the Elm Street'. At halos magtakip na siya ng kanyang mga mata sa takot. Kung bakit ngayong gabi pa kasi niya ito naisipang panuorin.
Sa pagkakaalam niya e hindi naman siya matatakutin pagdating sa mga ganoong bagay, kaya nga siya nakalapit noon kay Sasa, kahit anupang pananakot ang ginagawa nito. Nagpanggap lang siyang takot para mas lalo itong malapitan—katulad no'ng niyaya siya nitong mag-sine, napapatakip siya nang kanyang mga mata gamit ang buhok nito dahil gusto lang niyang mapalapit dito—para maamoy ang buhok nito, dahil hindi ito nakakasawang amuy-amuyin.
Pinagpatuloy niya ang panonood niyon hanggang sa matapos, at buong movie ay nakatakip lang siya sa kanyang mga mata. Napailing siya.
Nakaramdam siya ng kalungkutan. He really missed Sasa a lot. At wala na siyang ibang paraan kundi magtiis muna hanggang sa mapagtanto nito na kaya niyang gawin ang lahat ng mga sinabi nito, para mapatunayan dito kung gaano siya ka-seryoso dito. Kahit pa gustong-gusto na niyang makita at kausapin ito. Kaya nga dinadaan na lang niya ngayon sa panonood ng horror movies ang pagka-miss niya dito.
Napabuga siya ng hangin, mag-iisang linggo na rin since the last time na makausap niya ito, at sa isang linggong 'yon ay hindi pa niya nakikita ito sa School, kinakabahan tuloy siya dahil no'ng humingi siya ng update kay Raym tungkol sa pinsan nito, lagi daw nito kasama si Kiefer—baka mamaya, bigla na lang agawin ni Kiefer ito sa kanya.
At sa loob ng isang linggo ay napatunayan niya, lalo sa kanyang sarili, na walang nagbago sa nararamdaman niya dito, sa halip ay mas lalo pang tumindi ang pagmamahal niya dito. Kaya kung iniisip nito na baka magbago ang nararamdaman niya at hindi siya seryoso dito ay nagkakamali ito.
Napatango siya sa kanyang naisip. Bukas na bukas din, pupuntahan na niya ito. Natapos na ang isang linggong pagsubok nito sa kanya. Sasabihin na niya dito ang naging bunga ng isang linggong 'yon—he missed her like hell and he love her even more, kahit ito pa ang creepiest girl on planet.
Humanda ito sa kanya, kapag nakita niya ito bukas, yayakapin niya ito nang husto at hindi na niya ito muling pakakawalan pa. Isang linggo din siyang nangulila dito.
NAIKUYOM ni Cyrus ang kanyang mga kamay nang makita niyang sumakay si Sasa sa sasakyan ni Kiefer. Magkasama na naman ang mga ito. Kaya ba siya binigyan ni Sasa ng space ay para ma-entertain nito si Kiefer? Umiling siya sa kanyang naisip. Hindi sa wala siyang tiwala kay Sasa, mahal niya ito at malaki ang tiwala niya dito, kay Kiefer siya walang tiwala.
It was a beautiful Saturday morning, pero biglang nagdilim ang mundo ni Cyrus dahil sa kanyang nakita. Nang umandar na ang sinasakyan ng mga ito, mabilis niyang sinundan ang mga ito, lulan ng kanyang sasakyan, halos isang oras din siyang nagmamaneho para sundan ang mga ito, hanggang sa humimpil ang sinasakyan ng mga ito sa isang malaking bahay.
They were greeted by an old man and woman na marahil kapwa nasa early fifty's, humalik si Kiefer sa mga ito at nagmano naman si Sasa. Sumikip ang kanyang dibdib. Hindi kaya dito nakatira si Kiefer at dinala nito si Sasa doon para ipakilala na sa mga magulang nito?
Paano ako? anang isipan niya.
Dahan-dahan siyang bumaba sa kanyang sasakyan para sundan ang mga ito sa loob, kailangan niyang mabawi si Sasa mula rito. Sa kanya lang si Sasa. Mabilis siyang nakapag-doorbell at bumungad sa kanya ang isang katulong.
"Si Sasa po?" aniya.
"Sino po sila?" tanong naman ng katulong sa kanya.
BINABASA MO ANG
His Creepy Girl (Published under PHR-Completed)
FanfictionPaano ba ma-in love ang isang Creepy girl na takot ma-in love? Hero inspired by the PBA star Cyrus M. Baguio <3