TATLONG ORAS pa ang natitira bago magsimula ang debut party ng kaibigan ni Autumn. But she and her friends were already preparing. Napagdesisyunan nilang doon na lamang mag-ayos sa bahay nila Autumn since makikisakay siya kay Caleb papuntang party and having him as a neighbor was just a a big convenience. Sina Krysalle at Cielo naman ay susunduin din ng kani-kanilang mga boyfriend. Louise on the other hand will be riding later with either of the two.
"Oh my gosh. I still can't decide which one to choose. Girls, help me," ani ni Cielo. Hindi pa rin kasi ito nakakapili ng sapatos na susuotin. They all looked and compared the two shoes that her friend displayed. Hindi niya alam kung bakit namomroblema ang kanyang kaibigan, eh, halos pareho lang naman ang disenyo ng dalawang pumps. Hindi rin nakatulong na pareho ang kulay ng mga iyon. Umiling-iling siya. "Kayo na riyan. I have poor perspective when choosing the right shoes to wear."
Habang namimili ang kanyang tatlong kaibigan ay pumanaog siya sa kusina para makapag-request ng meriyenda kay Manang Flo. Naabutan niya ang singkwenta anyos na matanda na naglalabas ng pan at strawberry jam mula sa fridge. It seems like the old woman read her mind.
Tumuloy siya sa pagpasok.
"Hi Manang. Magpapahanda po sana ako ang miryenda. Iyan na po ba 'yan?" Umupo siya sa isang stool sa harap ng kitchen counter at pinanood ito.
"Oo. Alam kong ano mang oras ay manghihingi kayo ng pagkain ng mga kaibigan mo. Hindi naman ako nagkamali hindi ba?" Ngingiti-ngiti ito.
The old woman was a widow who lived with their family for almost two decades already. Ito na halos ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya sa mga panahon na lumalabas sa bansa ang kanyang mga magulang. Matagal nang namayapa ang asawa nitong sundalo na namatay sa isang bakbakan sa Mindanao. Her husband was a hero. Iyon ang tinatak ng matanda sa kanyang isipan. She knew it was true. Hindi man niya naabutan ang asawa nito na namatay bago pa man nabigyan ng anak ang kanyang Manang Flo ay alam niyang mahal na mahal ng mga ito ang isa't-isa. Naiinspire siya tuwing naalala niya ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito. She wished deep inside that she could also find a love so true and eternal.
She smiled back at the old woman. Ilang sandali pa ay nakapag-handa na ito ng ilang pirasong sandwiches at nakapagtimpla ng fresh orange juice.
"Hala. Tawagin mo na ang mga kaibigan mo at nang makakain na sila," si Manang Flo.
Autumn called her friends and they all ate merrily. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng may marinig silang papasok na yabag sa bahay. Soon enough, Caleb emerged at the entrance of the kitchen. Nakasuot ito ng puting t-shirt na hapit na hapit sa namumukol nitong katawan at faded maong jeans. His hair was messy in a sexy way and his eyes were all hooded. "Hey, ladies. Hi Manang Flo," he greeted everyone.
Nagtuloy-tuloy ito sa loob. They all greeted him back.
"Oh Caleb, hijo. Makikain ka na rin sa snacks ng mga dalagang ito," yaya ni Manang Flo.
Caleb sat next to Autumn. Kinuha nito ang kanyang kinagatang sandwich at nakikain na rin. "Akin 'yan eh," reklamo ni Autumn.
Nagkibit lang ito ng balikat at sinubo ng buo ang kaawa-awa niyang sandwich. Wala talagang puso. Hmp!
Kumuha na lamang siya ulit ng isa.
"Caleb," tawag dito ni Louise.
"Yeah?"
"Is your brother Daniel, single?"
Muntik na silang lahat mabulunan sa tanong na iyon ni Louise. It seems like her friend has found the one na nakakuha ng pansin nito.
Caleb on the other hand broke out a grin. "Nope. He's taken."
Louise's mouth twisted in disappointment. Pero biglang nagsalita si Caleb.
BINABASA MO ANG
THE WATCHERS TRILOGY: Caleb (book I)
Romance"One day, he just woke up realizing that Autumn wasn't just his Mortal Half, she was his other half." Some angels are meant to walk amongst us. Some have a purpose to fulfill; a duty to uphold; and a human to protect. But what will you do if you rea...