CHAPTER XXII

171 7 0
                                    

"HAPPY BIRTHDAY, hija."

Nakangiting tinanggap ni Autumn ang yakap ni Manang Flo, kasabay ng pag-abot nito ng isang nakabalot na regalo. "Thank you, Manang. At thank din dito sa gift mo."

"Walang anuman, Autumn. Hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na mabigyan ka ng regalo sa espesyal mong kaawaran na ito. You're already eighteen. Parang noon lang ay pinapalitan ko pa ang diapers mo," maluha-luhang sabi ng matanda.

"Ganyan din ang naramdaman ko nang tumuntong sa tamang edad ang tatlo kong binata," sabi ni Ashley mula sa likuran ni Autumn.

It was Autumn's 18th birthday celebration. Despite her being a party goer, hindi siya naghanda ng isang bongga na debut party. It was just a simple get together dinner ng malalapit na tao sa kanyang buhay. If she had chosen to, Autumn could actually throw a real party but she preferred not to. Hindi niya alam pero iyon ang kagustuhan niya sa ngayon.

Ginanap ang selebrasyon sa bahay mismo ng mga Cervantes. Kahit wala ang mga magulang ni Autumn ay naging posible ang handaang iyon dahil sa mga magulang ni Caleb lalong-lalo na si Ashley na naging hands-on sa preparasyon. Autumn's Tita Ashley acted in behalf of her mom who is currently away.

Hindi maiwasan ni Autumn na malungkot dahil hindi niya makakasama sa espesyal na araw na ito ang kanyang mga magulang. But she understood them nonetheless. Sapat na sa kanya na makasama ang mga malalapit na tao sa buhay niya.

Nasa party ang ang apat na malalapit niyang kaibigan na sina Louise, Krysalle at Cielo kasama ang mga boyfriends ng mga ito. Wala na siyang ibang inimbita bukod sa mga ito at sa mga Strauss. Autumn and her family don't have any immediate family within the locality so she wasn't able to invite any of her close relatives.

Nakangiting nilingon ni Autumn si Ashley. She hugged the woman firmly. Ashley became like a second Mom to her. She was so glad that the woman was so eager to make her celebration very much possible.

Nang bumitiw siya rito ay binigyan niya ito ng napakamatamis na ngiti. "Thank you very much, Tita Ashley. Hindi sana posible ang party na 'toh kung hindi dahil sa pag-coordinate mo. I don't know how to repay you for this."

Nginitian din siya nito. "Oh hush, dear. No repayement needed. Masaya ako na ipaghanda ka sa espesyal na araw na ito. Once in a lifetime lang ito, and it would such a miss if hindi ka man lang maghahanda. It was actually nice na ipaghanda ka ng selebrasyon since puro boys ang anak ko. And you know, they don't actually go for this kind of stuff."

"Still, thank you, Tita. Kung nandito lang si Mom, I'm sure magkaakibat sana kayo sa preparasyon," sabi ni Autumn. Hindi niya mapigilan ang panlulumo sa boses.

"There's no need to be sad, my dear. Lighten up. Charlotte and Ben would've wanted that," anito at magaan na tinapik ang kanyang balikat. "Anyhow, I have a susprise for you. I know you'd love it."

Umiling siya. "Oh no, no. You don't need to give me any gifts, Tita. I'm-."

"Shhh," Ashley quieted her. Binalingan nito ang nakasarang pinto ng kanilang bahay. "Okay now. Please bring in the surprise," she said loudly.

The door swung open.

Autumn's breath hitched up in her throat when she saw two people emerge in front of her. "Mom! Dad!"

Tinakbo niya ang mga magulang at sinugod ng mahigipt na yakap. Maluha-luha si Autumn habang yakap ang mga magulang. It's more than a year since the last time that she was able to hold them in flesh.

Ang ina naman ni Autumn ay napaiyak. Her Dad, on the other hand, looked like he was stopping himself from crying.

Nakita ni Autumn sa gilid ng kanyang mga mata ang bulto ni Caleb. Malamang ay ito ang sumundo sa kanyang mga magulang. She flashed him a grin which he repayed with a sexy wink.

THE WATCHERS TRILOGY: Caleb (book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon