CHAPTER XIV

235 9 0
                                    

HINDI INAASAHAN ni Autumn ang biglaan niyang pagbulusok pababa. She fell and fell constantly. Walang nagawa ang kanyang pagkakawag para mapigil ang patuloy niyang pagkahulog. Kahit gimbal na gimbal ay pinilit ng dalaga na imulat ang mga mata para mabistahan ang kanyang kahuhulugan. Papalapit niyang nakikita ang daan-daan na mga nilalang sa baba. Patuloy ang malakas na tunog ng trumpeta na nakadagdag sa kaba na nararamdaman ni Autumn.

Ganito na lang ba siya mamatay?

Isaangdaang metro... Limampung metro... Sampung metro...

Ipinikit ng dalaga ang mga mata at inihanda ang sarili sa tiyak na kamatayan.

Ilang segundo pa ang lumipas ay walang naramdaman ang dalaga na malakas na pagbagsak. Walang sakit na naramdam, walang galos at bali na makapa sa katawan. Unti-unting iminulat ni Autumn ang mga mata. Sandali siyang nasilaw mula sa nakasabit na chandelier sa kisame ng stadium.

Pagkaraan ng ilang sandali ay unti-unting nagkahugis ang mga nilalang sa paligid niya. Isang singhap ang kumawala mula sa mga labi ni Autumn. Nakaangat siya mula sa sana'y sahig na papatay sa kanya. She was floating... No! She was caught by someone. Nararamdaman niya ang malakas na mga bisig ng kanyang tagapagligtas. Nararamdaman niya ang maingat nitong pagkakahawak sa gilid at likod ng tuhod niya. She was being carried, bridal style.

Iniangat ni Autumn ang tingin sa kanyang tagasalo. Dahil nakatalikod ang lalaki sa ilaw kaya hindi mabistahan ni Autumn ang mukha nito. When her eyes were able to adjust to the dim lighting, an angelic face came upon view.

Caleb!

Bahagyang magulo ang itim na itim nitong buhok, ang mukha nitong parang iniukit ng isang iskultor ay lalong naging mas naging kaakit-akit. His 5 o'clock profile was defined. His nose was pointier, his lips were sexier, his jaw was set and his eyes, oh his eyes, they were stunning. Parang nalulunod si Autumn habang nakatitig sa asul na asul na mga mata ng binata. Tila lalong kuminang ang pagka-asul niyon dahil sa may kadiliman na pagkaka-ilaw sa lugar. His blue eyes were burning up. Sucking consciousness from Autumn.

Unti-unting iniangat ni Autumn ang kamay para sapuhin ang pisngi ng matalik na kaibigan. Pero natigilan siya ng ibaba siya ng lalaki. Wala pa mang salita na namumutawi sa labi ni Autumn ay tumalikod at naglakad na ang binata papalayo.

Tinawag ni Autumnsi Caleb pero nagulat siya nang walang boses na lumabas sa kanyang mga labi. Kahit pilitin man niyang ihakbang mga paa ay parang semento ang mga iyon. She was immobile.

Natigil ang kanyang pagpapalag nang mapansin ang mga taong nasa paligid niya. All of them seemed to be focused on something. Sinundan ni Autumn ang tingin ng mga ito. There gazes were transfixed on some make-shift stage. Na gitna ng eleganteng stage ay may limang nakatayo.

Autumn couldn't make-out what they look like or what they were wearing. Intense light radiated from all five of them that Autumn can't help but to look ayaw from them. Ibinalik niya ang tingin sa mga nakapaligid sa kanya. Like what she observed before she fell, all of them were wearing some kind of black skinny pants. The guys, were bare from head to waist while the girls were wearing some kind of a cropped tank top that exposed their bellies. Halos magkakamukha na ang mga ito dahil sa itim na itim na buhok at kulay asul na mga mata. All of them looked teenagers. Tila hindi siya napapansin ng mga ito na lalong nagpagulo sa isip ni Autumn. How was Caleb able to see her and not these other people?

Nang hanapin ni Autumn ng tingin si Caleb ay nakita niya ito sa may 'di kalayuan. He was standing with some bunch of big guys. Katulad ng ibang mga tao sa paligid ay nakatutok din ang atensyon nito sa makeshift stage.

THE WATCHERS TRILOGY: Caleb (book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon