"SHE'LL KNOW sooner or later. Ngayon pa lang ay nagdududa na siya," sabi ni Troy. "The demons you saw at the party were just the beginning. You should be extra careful."
"But, Dad alangan naman sabihin ko sa kanya kung ano tayo? That will surely compromise not only our purpose but also our lives, not to mention, the lives of the humans we protect," sabat ni Caleb.
"Guys! Take a chill pill, okay? Hindi naman sasabihin kay Autumn ang totoo eh. We'll just mislead her from the truth," ani ni Daniel habang pababa ng staircase.
Nasa sala sila ngayon ng kanilang malaking bahay at pinag-uusapan ang tungkol sa panaginip ni Autumn.
Kanina nang ikwento ng dalaga kay Caleb ang panaginip nito ay dinagsa siya ng lubos na kaba. Bakit hindi, eh, detalyado ang pagkwento at deskrispyon ng panaginip nito. She friggin' described in front of his face the final stage of how a Nephilim turns into Watcher. How he, his mom, his dad, and his brothers turned into a Watcher. Shock was an understatement of how he felt when Autumn narrated to him how her dream looked like. He fought to keep his composure and managed a straight face while driving. Kung isa lang siguro siyang normal na tao ay baka naibangga na niya ang kanyang Everest kanina dahil sa pasabog ng dalaga.
Malaking rebelasyon sa kanya at sa kanyang pamilya ang panaginip ng dalaga. Never in his entire existence ay may narinig siya na may isang mortal na nanaginip tungkol sa kanila. It was justimpossible!
Yes. They are not mortal. Caleb and his family are not human, but they are also not supernatural beings.
Caleb and his family are called Watchers. They were born a Nephilim-half angel and half human. When a Nephilim reaches its 19th birthday, he or she undergoes a process called 'The Turning' and becomes a Watcher.
A Watcher is a damned angel. A fallen angel if it would be put in a discrete way. Sila ang mga anghel na inatasan na maglakad kaakibat ng mga tao sa mundong ito. Ang kanilang tungkulin ay pangalagaan ang mga mortal na may importanteng layunin sa mundo nila.
Ang inatang na mortal na dapat niyang protektahan ay si Autumn. Hindi niya alam kung para sa ano ang pagprotekta niya rito pero ang alam niya ay dapat niya itong pangalagaan. He should always put Autumn's life and safety before his.
Noong ipinanganak siya dalawampung na taon na ang nakakaraan ay dinala siya ng kanyang mga magulang na noo'y pareho nang Watcher sa palasyo ng Committee of Gaurdians sa tuktok ng Mount Ararat.
Ang Committee of Guardians ang namumuno ng lahi ng Watchers at Nephilims sa buong mundo. Ang Committee of Guardians lamang ang may direktang komunikasyon sa arkanghel na si Gabriel. Si Gabriel ang naghahatid ng mesahe mula sa Panginoon papunta sa Committee of Guardians.
Ang Committee of Guardians ay grupo ng limang matataas na Watchers na itinatalaga ng Panginoon mismo para mamuno sa kanilang lahi. Ang komite ang gumagawa ng kanilang batas, pumapataw ng parusa at nagbibigay ng basbas sa bawat Nephilim na ipinapanganak.
Si Caleb ang bunso sa tatlong magkakapatid kaya siya ang pinakahuling dinala ng kanyang mga magulang sa palasyo ng komite noong ipinanganak siya. Sa seremonya ng pagbasbas sa kanya ay siya ring panahon kung kailan itinatalaga kung sino ang nakatakda niyang pangalagaan na mortal at kung kanino nakakonekta ang buhay niya. Hindi niya maalala kung papaano ipinapaalam sa kanya ng komite kung sino ang kanyang 'Mortal Half'-ang tawag sa mortal na binabantayan ng isang Watcher. Ang kanyang naalala lamang ay ang malakas na enerhiya na humihila sa kanya papunta sa dalaga.
Ang mga Mortal Half ng kanilang pamilya ay nakatira lahat sa Pilipinas kaya hindi sila nahihirapan na bantayan ang mga ito. Iyon ang dahilan kaya madalas ang pag-alis ng kaniyang ama at mga nakakatandang kapatid. Binibisita ng mga ito ang kani-kanilang Mortal Half. Ang kanyang ina naman ay nanatili lamang sa bahay nila dahil naroon mismo ang Mortal Half nito. Ang kanilang mayordoma na si Manang Adele ang Mortal Half ng kanyang ina.

BINABASA MO ANG
THE WATCHERS TRILOGY: Caleb (book I)
Romance"One day, he just woke up realizing that Autumn wasn't just his Mortal Half, she was his other half." Some angels are meant to walk amongst us. Some have a purpose to fulfill; a duty to uphold; and a human to protect. But what will you do if you rea...