*JC*POV*
…Haaaiiissst.. natapos narin ang mga klase namin.. uwian narin.. papalabas narin ako ng campus ng hindi ko kasama si Max at si Tam pauwe.. may mga gagawin pa daw sila.. yung totoo ang sabi lang nila nung mga nakaraang araw.. magkakaibigan kaming walang iwanan! pero anyari? Pinag palit nila ako sa mga Clubs ng school na sasalihan nila.. kelangan kasi.., eh.. hindi parin naman ako nakakapili nung akin kaya heto.. mag isa ako.. saka nalang pag tapos na problema ko.. haaiii.. kelan kaya matatapos problema ko?.. nakalabas narin ako ng campus..at naglalakad nanaman ako sa kalsadang walang katao tao.. kanina sa school hindi ako makapagpokus kasi iniisip ko parin yung mga feeling ko na may sumusunod sakin.. pero kagaya nga nang sinabi ni Max.. FEELING ko lang yun! mas Ok na yun ang isipin ko.. kesa may sumusunod nga sakin na masamang tao.. nag mumuni muni pa ako nang biglang..
“Miss.. sumama ka samin..” *lunok laway*.. may narinig nalang akong nag salita sa likod ko.. tatakbo pa sana ako, pero may dalawang humarang naman na.. FBI? Yung sa palabas na men in Black..naka shades pa na Black..
“S-sino kayo?.. a-at b-bakit naman ako sasama sa inyo?” nanginginig nakong itanong sakanila yun.. ano ba JC! Malamang mga kampun yan ng masamang BABOY nayun!
“sumama ka nalang samin.. wag kanang pumalag..” medyo napaatras pa ko.. ang seseryoso ng mga mukha nila..
“s-sorry.. hindi ako sumasama sa mga STRANGER!” bigla namn akong hinawakan ng dalawang Men in Black na nasa likod ko.. at hinawakan ako sa Braso at hinila ako papasuk sa isang shining shimmering Black Car.. nice.. *ANTANGA MO JC! MAY GANA KAPANG HUMANGA!?* sabi pa nung isang isip ko.. ano ba? Ngayon pa ba ko mababaliw? Eekkk… kelangan kong lumaban.. isasakay nila ako sa kotseng to? Tapos ano? OMY!!!? Hindi kaya gusto nilang.. AAAAAHHHHHHHHHHHH.. pilit nila akong hinihila papasok sa kotse..
“AAhhhhh.. fhjkahlkhdfihfk” sisigaw pa sana ako ng sobrang sagad sa lungs ko kayalang tinakpan ng kung sino yung bibig ko.. ito na ang katapusan ko.. help! Help!!!!!!!!!!!!!!!!!!! MAX!!! TAM!!!!!.. Naluluha nako.. hindi nako makapalag hanggang sa naisakay na nga nila ko sa kotse.. naiiyak nako.. pinagitnaan naman ako ng dalawang men in black..
“SINO BA KAYO!? PAUWIIN NYO NA LANG AKO PAKIUSAP!!!” sigaw ko pa sa abot nang akin lungs.. pero hindi sila nag salita..
“ANO BA? BINGI-BINGIHAN TAYO DITO? WALA KAYONG MAPAPALA SAKIN!” abat talagang walang response? Ganun? Patay malisya lang? ano bang balak sakin ng mga to? Hindi kaya pag pepyestahan nila ako? SHET! Kawawa naman tong puri ko.. hindi pa nga na bibinyagan ng taong paglalaanan ko.. ma-ma.. aAAAAAAAHHHH..
“PAKAWALAN NYO KO! AYOKO SA INYO! PAKIUSAP! MAAWA KAYO SAKIN! SAAN NYO BA KO DADALHIN????” hingal na hingal na ko sa kakasigaw ah.. sinusubukan talaga ng mga to ang pasensya ko..
“Please.. please.. makakabayad din kami! Pero hindi pa buo.. pero MABABAYARIN DIN NAMIN KAYO!”at wala pa ding response..
….hanggang sa kung saan na kami nakarating. eh.. bigla nalang akong piniringan nung isa sakanila.
“ano to ah.. ganun? may pa surprise pa kayong effect? Ano ba?”
“tumahimik ka nalang.. at wag kang magkakamaling tanggalin yan sa mata mo..” mautoridad na sabi nung katabi ko.. ok.. ang masasabi ko lang GOODBYE PHILIPPINES… naluluha na talaga ako..
“h-hindi magandang biro to ah.. Please.. pag isipan nyong mabuti.. pwede pa kayong mabuhay ng malinis ang konsensya nyo.. kaya wag nyo na tong gawin please…*sniff*” baka sakaling maawa sila, pero WA parin!.. tas naramdaman ko nalang na huminto na kami.. God.. please kayo na po ang bahala sakin.. kahit ano pa man mahal na mahal ko po ang magulang ko..at mga kaibigan ko, sana makahanap din sila nang mga lalaking mamahalin nila hanggang sa huling hininga nila.. parang ako.. alam ko na po sa sarili ko na Mahal ko sya.. minahal ko na sya simula palang…
“nandito na tayo..” bigla naman akong hinila palabas, pero medyo inalalayan.. so.. medyo pa gentleman pa kahit papanu? Tas nakalabas na kami ng kotse at inalalayan nila ako papasok sa kung saan..
…malayo layo pa ba? Antagal ah.. kung ano ano na ang pumasok sa isip ko na gagawin nila sakin at yung iba pa dun nakakadiri.. kahit labag sa kalooban ko.. tas pinaupo na nila ako sa ooh.. ang lambut ah.. sa tansya ko Sofa to.. hindi naman nakatali ang kamay ko kaya malaya kong nakakapa ang malambot at magandang tela ng sofang ito.. *at talagang may gana kapang humanga! Kahit mamatay kana!?* tss.. ito nanaman ang praning kong isip.. bat kaya may ganto sa isang hideout ng mga Goons hindi kaya ganun talaga kayaman ang pinag utangan ni Papa?.. tss.. eh ano? Mapang abuso naman sila ng kapwa..
“*hingang malalim* please.. ito na talaga ang last chance na ibalik nyo nalang ako sa magulang ko.. please pakawalan nyo ko.. wala kayong mapapala sakin.. wala talaga..” kahit ano pang sabi ko.. wala akong naririnig..
“ahm.. may tao pa ba dito? Hello? Mag tunog tao nalang kayo kung ayaw nyo mag salita..” tss.. wala parin?
“ok.. ok..ayaw nyo talaga? So ganun? Dadalhin nyo ko sa kung saan, tapos ni isa wala man lang bang magsasabi ng mga bagay na gagawin nyo sakin.. ano ba!? Naiintindihan ko na.. hindi na kayo pwedeng magkaila.. alam kong kidnapping na ito! At alam kong ano mang oras.. ay gagawin nyo na yung.. yung..”tas out of the blue may narinig akong pumasok sa kwartong to?
“*chuckle* pwede mo nang tanggalin ang piring na nasa mata mo..” hmm? Teka kelan pa naging matanda ang boses nung matabang Goon nayun? ..tinanggal ko naman ang piring sa mata ko.. nagkurap kurap pako.. tas nakita ko ang isang matanda nasa harap ko nakaupo sa… whoaaa.. nailibot ko bigla yung paningin ko sa buong kwarto… *NGA NGA* feeling ko ang kwartong to.. eh kasing lawak na nang bahay namin.. o di hamak na mas malaki pa to.. tumikhim namn si manong.. este..sino ba sya?..
“malamang..eh..natakot ka sa nangyaring pag dakip nila sayo.. pasensya kana..” nakangiti pang sabi nya.. eh kung buntalin ko kaya to! Ganun? Kala nya ba madadala nya ko sa pngiti ngiti nya? Pagkatapos nila akong kidnapin?
“sino ba kayo? Please po.. wala po talaga kayong mapapala sakin.. promise po, kung hindi man po kami makabayad sa takdang oras ng Buo.. gagawa po talaga kami ng paraan.. kaya pakawalan nyo na po ako..” with teary eye pa.. baka sakaling madala to sa drama at maawa pa sakin.. medyo taka naman ang mukha nya sa pinagsasabi ko..
“ kung iniisip mong kinidnap kita.. nagkakamali ka iha..” tas ngumiti nanaman sya..
“h-hindi ko po maintindihan… so hindi po to kidnap? So ano pong meron? Ah! Alam ko na.. nasa Wow mali pa rin ako no? ha! *fake laugh* sabi ko na nga ba eh..” lalo naman nag karoon ng pagtataka sa mukha nya..
“hindi ko alam na ang lawak din pala ng isip mo..hahahha para ka ring lola mo.. naaalala ko sya sayo.. hindi lang kayo mag kamukha kundi nakuha mo rin ang pagiging mapagbiro nya.. hahaha” hmm? Lola? Sinong lola? Ang alam ko matagal ng ulila ang mama ko bata palang sya.. yung papa ko naman parang kelan lang nung mamatay sila.. at sobrang masayahin naman ang lola Janesa ko.. hindi kaya sya yung tinutukoy ni Manong?
“s-Si lola Janesa po ba ang tinutukoy nyo?” isang matamis na ngiti naman ang nakita ko sa mukha nya.. at parang may kung ano pang kilig ang naramdaman nya..
“napakabait nya at masayahin.. yun ang nagustuhan ko sa kanya..” tumayo sya at lumapit sa isang bulaklak..
“hindi ko malilimutan nung una ko syang makilala.. kakaiba talaga sya sa mga babaeng nakilala ko..” pagpapatuloy pa nya..
-----------------------------------------------------------------------------------*
Hindi naman pala kidnap! Sino kaya ang misteryosong matandang ito? Ano naman ang magiging kontribusyon nya sa buhay ni JC? At isa pang tanong.. Baliw kaya si JC? hahaha joke…(JC: baka ikaw OTOR! PI ka pala eh!) war freak pala si JC? :3
BINABASA MO ANG
My Unexpected Fiancé...??? *On Hold*
Teen Fiction...love came in such Unexpected things... by this story... there is... stupidity... hatred... revenge... hurt... hope... friendships... falling for someone that you've known its wrong... -MMLC :3