Episode Thirteen "Meet Up..."

9 0 0
                                    

*Third person POV*

Pagkatapos ng nagdaang araw ay sa wakas.. makikilala narin ni JC ang lalaking pakakasalan sa hindi malamang dahilan ng matandang tumulong ng may hininging kundisyon.. what a life nga naman…

“ma… hindi ba masyadong OA tong suot kong bistida?”-JC, nagaalangang sabi nya.. habang tinitingnan ang sarili sa salamin.. suot nya ang bistidang parang pamana na nito sa kanya..

“Anak.. bagay na bagay nga sayo yan eh, saka alam mo bang gandang ganda sakin ang papa mo nung unang date namin na suot yan.. at sigurado akong ganun din ang magiging manugang ko..” napangiwi ang mukha ni JC sa sinabi ng mama nya.. mas excited pa kasi ito kesa sa kanya.. grabe ang kaba na bumabalot sa kanyang pagkatao ngayon.. ni minsan hindi sumagi sa utak nya na magiging ganto ang kapalaran nya.. ang pagbabago ay talgang nagsimula na..

Pinasundo na silang pamilya ng Master papunta sa gaganapang lugar ng pagkilala sa isat isa nilang dalawa.. habang nasa byahe hindi maiwasang mag-imagine ni JC.. na mga negatibong bagay tungkol sa lalaking yun.. katulad nalng na sobrang ibang iba ito sa pinapangarap nyang lalaki..  ng makarating na sila sa mismong restaurant ay agad naman halos lumuwa ang mata nya.. parang hindi pa makapaniwalang hindi panaginip ang lahat.. grabe lang kasi ito kayaman.. parang meet up lang.. sa mahahaling restaurant pa talaga.. sa isip ni JC..

“pumasok na po tayo..” pag aassist pa sa kanila ni Mr. Shin… habang papasok ay lalong mas tumintindi ang kaba na nararamdaman.. para syang masusuka.. na hindi malaman.. gusto nyang lumagok ng isang timbang tubig para mawala yun.. hindi nya sigurado pero kapag ganun.. may hindi magandang mangyayari..

“Anak… napakaganda mo..ngumiti ka..” sabi pa sa kanya ng kanyang ama.. kahit ito hindi rin mawari ang dapat na maramdamn.. mahal na mahal nya kanyang unika iha. At hindi nya inaasahang maaga itong makakatagpo ng taong pakakasalan. Ganun naman talaga diba? wala nang naisagot pa si JC kundi ngumiti nalang sya.. para naman mabasawasan ang pagaalala na nararamdam nito..

Ng makarating sa pribadong kwarto ng restaurant nito ay huminga munang malalim si JC.. bago makapasok..malayo palang ay natatanaw na nya ang matanda sa bilog na mesa walang ibang kasama… “nakakapagtaka naman bakit si lolo lang? na saan na yung Unexpected Fiance Ko? Tss.. ano yun? paintense pa?” sabi nya sa isip…

Nang makalapit sa mimong mesa ay sinalubong na agad sila ng ngiti… nagbatian sila at na upo..

 

“buti naman at hindi nagbago ang yong isip iha..”-lolo, tumawa pa ito… ngumiti nalng si JC.. parang gusto nyang lumabas ng kwartong yun at gusto nyang tanggalin ang pagaalin langan na sa katawan nya..

“ah eh.. master.. na saan napo ang aming magiging manugang? Hehe” hindi maiwasang tanong ng kanyang Mama..

“ah.. pasensya na kayo kung na una pa kayo sa kanya.. siguro ay.. mas kinanakabahan pa sya kesa sa inyo.. haha.. alam mo naman ang kabataan ngayon..”-lolo.

“ang sabihin nyo.. kamukha sya ni taguro… kaya ganun..” sa isip nanaman ni JC.. parang ang plastic nya no? pero hindi nyo naman kasi sya masisi.. kayo ba naman paghintayin ng lalaki eh..

Habang nagaantay ay pinag uusapan na ng magulang nya at ng Master ang plano sa lahat lahat..  maya maya pa ay binulungan na ng matanda ang kanyang matapat na tagasunod.. agad na man yun umuoo..at lumabas ng kwarto.. at habang tumatagal din ang pagiintay ni JC.. lalong bumibilis ang tibok ng puso nya.. hindi nya sigurado kung dahil sa lalaking makikilala nya maya maya lang o baka dahil sa suot nyang hindi nya maiwasang laitin  ang sarili.. panu pa kaya ang lalaking yun?

My Unexpected Fiancé...??? *On Hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon