Episode EIGHT... "The Plan"

32 0 0
                                    

*Someone’s* POV*

“Master.. napag alaman kong matagal na syang patay.. at nalaman ko rin na naluge ang negosyong tinayo nya sa ilang taong pinaghirapan nya.. at ang pamilyang naiwan nya ay nahaharap ngayon sa isang mahirap na sitwasyon..” nalungkot ako sa narinig ko mula sa kanang kamay ko.. parang kailan lang ng magkakasama kaming nagtatawanan kasama ang taong minahal ko.. pero mas pinili sya.. hindi ko akalain na hindi na kami magkikita pa.. maaring magkita din kami ngunit sa kabilang buhay na..

“Mr. Shin, gusto kong malaman ang tungkol sa kanyang pamilya.. at anong problemang kinakaharap nila?”ako,

“nagkaroon sya ng isang anak na lalaki at ngayon ay may sarili ng pamilya. Mayroon syang anak na babae na mas bata ng dalawang taon sa inyong Apo, Master.. nalaman kong nabaon sila sa pagkakautang at binigyan lamang sila ng isang linggo upang makabayad mag mula ngayon.. nagawa nilang pagbantaan ang buhay ng pamilyang iyon..”

“ganun ba.. yung tungkol sa Apo nya.. maayos ba syang nakakapag aral? Siguradong nahihirapan sila ngayon..” may halong pagaalalang sabi ko..

“Master, napag alaman ko ring itoy nag aaral din sa Unibersidad na hawak din ng pagmamayari nyo.. sa skwelahan na pinapasukan din ni young Master..” parang may kung anong pumasok sa utak ko na masasabi kong  gusto kong makilala ang batang yun..

“salamat sa mga impormasyon mo.. may naisip na kong kasagutan sa problema ko..makakaalis ka na Mr. Shin..” nag bow naman sya bago umalis..

… gusto kong makabawi sa mga taong hindi tayo nag kita… salamat at sa tingin ko.. isang hulog ng langit ang iyong apo.. napangiti nalang ako at humarap sa bintana ko..

-----------------------------------------------------------------------------------*

*JC*POV*

*pang limang Araw..*

… kagigising ko lang at 6 am palang.. hindi normal na gantong oras ako nagigising karaniwan kasi pinipilit pakong magising ni Mama.. at sanay ako nang ganun, pero ngayon iba.. siguro dahil sa problema namin.. nag unat unat naman ako sa harap ng bintana ko.. tas sumilip ako sa labas, ang ganda talaga ng umaga! Sana maging maayos din ang lahat.. habang nakadungaw ako sa bintana.. nabaling ang tingin ko sa isang Kotseng Black..  hmm? Wala naman akong natatandaan na may kotse ang isa sa kapitbahay namin.. tas tinitigan ko pang maigi.. parang may isang lalaki kasing nakatingin dito mismo sa bahay namin at napansin nya sigurong nakita ko sya, kaya itinaas nya yung bintana nya.. ano yun? nagtago sya?..

“JC! Gumising ka na.. baka malate kapa sa klase mo..”-Mama, napatigil naman ako sa pag silip sa lalaking sa tingin ko nag iispiya samin.. natatakot ako..

“ah.. opo ma.. baba na rin ako..” umalis narin ako sa bintana..baka mamaya bigla nalang akong barilin eh.. natatakot ako.. panu kung inaabangan na pala kami.. siguro iniisip na nung Goon nayun na hindi kami makakabayad.. kaya nag iispiya sya?.. ano ba dapat kong gawin?

-----------------------------------------------------------------------------------*

*School*

…pag kalabas ko nang bahay nakita ko namang nandun padin yung kotse.. pero nakasarado yung bintana kaya hindi ko nakita kung sino yung taong nag mamatsag samin.. binalaan ko narin sila mama na wag munang lalabas ng bahay… nakarating naman ako ng school ng maayos, pero feeling ko habang nag babyahe ako.. may nakatingin sakin.. at minamatsagan ako..

…Pababa na ko ng bus station  nang may nakita akong pamilyar na istura… ah.. si  Max at si Tam.. na nakaupo sa isang waiting shed.. bakit kaya.. pumara narin ako kay manong driver at bumaba ng Bus sakto namang nakita nila ako..

“JC! Morning..” masiglang bati sakin ni Tam..

“morning din.. bakit kayo nandito? Diba dapat deretso school na kayo?” ako, habang nag simula na kaming mag lakad papapunta sa school.. medyo malayo pa kasi yun mula sa Bus station..

“wala lang! bakit may problema kaba kung gusto naming hintayin ka?” –Max, nakataas kilay pang sabi nya..

“oo na! buti nga andito kayo..” medyo malungkot kong sabi.. na may halong pag aalala..

“bakit JC? May nangyari na naman bang hindi maganda?”-Tam

“mmm.. parang ganun na nga.. kasi ang weird ng pakiramdam ko.. paggising ko kanina may nakita akong kotse sa labas ng bahay namin, pero hindi ko sigurado.. kung kampun yon ng Goon na yun..”

“talaga? Kahina hinala ba? Naka disguise?, naka ninja?, o naka gangster type?..”-Tam..

“OA ha.. impossible namang saktan kayo nun.. diba nga pang limang araw palang dun sa dead line ng Bayad.. so siguro hindi naman..”-Max..ganun?

“panu kung.. tama ako ng hinala? Anong dapat kong gawin?” natahimik naman kami.. at may naramdaman na naman akong sumusunod samin.. napatingin ako sa likod, pero ni isang tao wala akong nakita.. imposible kasing maraming dumaan ditong tao.. dahil karaniwan lahat ng studyanteng pumapasok eh.. naka kotse, ako lang tong naglalakad..

bakit JC? Sino tinitingnan mo?”-Tam, lumingon narin sila sa likod..

“ah.. w-wala.. parang ito na naman kasi yung pakiramdam na may sumusunod sakin..” tinapik naman ako ni Max ng malakas sa likod.. na ubo pa ko dun ah..

“masyado ka talagang feeling.. tara na baka malate tayo..”sabay hila nila sakin at tumakbo na kami.. ang weird biglang naging seryoso kasi yung mukha ni Max..

-----------------------------------------------------------------------------------*

*someone’s*POV*

…napag isipan kong gawin na ang plano ko.. maaring nararapat sya sa plano ko at sisiguradohin kong mag tatagumpay ito..

“master..nagawa ko na po ang pinapahanap nyo sakin.. ito po ang mga impormasyon tungkol sa kanya at sa kanyang mga magulang..” at ibinigay naman ni Mr. Shin ang mga papel na impormasyon tungkol sa kanya.. medyo nagulat pa ko nung Makita ko ang litrato nya.. halos magkamukha sila.. nagkaroon naman ng ngiti sa aking labi.. parang ganito rin ang itsura nya nung makilala ko sya.. hindi ko alam kong tadhana ba talaga ito.. mukhang nararapat nga sya sa aking apo..

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at tumingin sa labas ng bintana, mukhang ito na ang panahon para kumilos ako..

“Mr.Shin… sa tingin ko ito na ang tamang panahon..” mahinahon kong sabi sa matapat kong alalay, habang nakaharap ako sa labas ng bintana..

“Master.. sa tingin ko po hindi pa po sya handa sa ganung bagay..”

“napag isipan ko na to ng mabuti.. ito na ang tamang panahon.. hindi ko hahayaang magtagumpay ang iba para masira ang buhay nya.. gawin mo na yung pinapagawa ko sayo.. ayokong mabigo ang mga plano ko, naiintindihan mo ba, Mr. Shin?” humarap na ko sakanya

“Opo Master.. masusunod po kayo..” nag bow naman sya bilang pag galang.. at umalis na.. tumingin muli ako sa labas ng bintana..

…ito na ang panahon.. makikilala ko na ang apo nya.. nalaman kong isang babae ito at mas bata lang ng ilang taon sa apo ko.. alam kong hindi ako magkakamali sa disesyon kong ito.. hindi ako makakapayag na sirain nila ang buhay namin.. Apo, alam kong hindi ka pa ganun ka handa, pero para din ito sa ikakabuti mo… 

My Unexpected Fiancé...??? *On Hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon