Prologue

13 0 0
                                    

"Welcome po, Milady."

"Si dad?"

"Nasa office room nya po, Milday."

"Ah, okay. Sebastian, can you carry this for me?" pinadala ko na kay Sebastian----- na matagal nang butler ng pamilya namin,  yung mga bagahe ko at pupuntahan ko na sana si dad sa office room nya. Kaso biglang umepal ang mga kuya ko. Anim kasi kaming magkakapatid, pero magkakaiba ang mga nanay namin. At ako lang ang nag-iisang babae.

"Hannah! Welcome home!!!" sabi ni kuya Gin, ang pangatlong panganay saming magkakapatid. Isang Chinese ang nanay nya, kaya chinito sya't di matatanggi na gwapo sya.

"Mali ka naman, Gin. Dapat, Welcome little monster!" sabi naman ni kuya Ace, pangalawang panganay. Isang Brazilian naman ang nanay nya. At syempre, gwapo din sya.

"Bunsoy! Nakabalik ka na pala!!!" at bigla namang sulpot ni kuya Kohji sabay suntok sa balikat ko. Ang pinaka-matanda saming magkakapatid. Isa namang Japanese ang nanay nya. Sya ang pinaka-gwapo sa mga kuya ko. Pero sya din ang pinaka-makulit.

"Teka nga! Ang likot nyo! Tsk." ang mga kuya ko, lahat sila isip bata. Pero sa oras na magalit sila, para silang mga tigre.

"Pupuntahan mo ba dapat si dad?" tanong ni kuya Gin sakin.

"Dapat. Kaso sinugod nyo naman ako."

"Hay, bunso wag ka nang magalit. Namiss ka kasi namin. Dalawang taon kang nasa Japan, tas dalawang taon ka naman sa Amerika. Ang tagal kaya nun." sabi naman ni kuya Kohji at nagsimula syang umiyak ng kaunti lang naman.

"Kuya, wag ka ngang emo. Kalalaki mong tao. Teka, nasan na sila kuya kambal?"

"Ah, sila Six at Seven, may lakad sila ng grupo nila eh. Baka, mamayang madaling araw pa yun umuwi." hmmm, sila kuya Six at Seven, balita ko kakabalik lang nila last year mula sa Amerika, pero nakabuo na agad sila ng grupo nila dito? Ibang klase talaga sila.

Amerikana naman ang nanay nila kuya kambal. Dun sila nakatira sa Amerika kasama ang nanay nila. Dati lagi silang nakakapagbakasyon dito sa Pilipinas, pero bigla nalang sila naging busy kaya matagal na din kaming hindi nagkikita. Pero buti nalang, at nakabisita sila ulit dito. Excited na akong makita silang dalawa. Namiss ko talaga ang mga kuya ko.

"Uy, Hannah bakit ka umiiyak?" (O O) 

"Ano bang sinasabi mo kuya Kohji...napuwing lang ako." 

"Asus, ikaw pala ang emo ehh." asar ni kuya Ace. 

"Hinde kaya! Ewan ko sa inyo. Magpapahinga muna ako sa kwarto ko." grabe, ramdam na ramdam ko ang pagod dahil sa matagal kong biyahe. Pero papunta palang ako sa kwarto ko ay bigla ko nang nakasalubong si dad.

"Hannah!" bigla syang tumakbo palapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Baby girl ko! Ogengki desu ka?"

"Ah, okay lang po sana ako dad, kaso di na po ako makahinga dahil sa yakap nyo."

"Ay,gomen."

"Okay lang dad."

"Nga pala, na-enroll na kita sa dati mong school. Kung gusto mo, pwede ka nang pumasok bukas." 

"Ewan. Tignan ko nalang po."

"Pero sana makapasok ka na bukas para makahabol ka, pero sige, magpahinga ka na muna. Alam kong pagod ka. Oyasumi nasai."

"Hmm, oyasumi nasai, Otosan." 

Agad na akong pumasok sa kwarto ko. Inayos ko na yung mga damit ko't nilagay ko na sa kabinet ko. Tapos nagpahinga na ako. Pero, bago ko makalimutan...

Ako nga pala si Hannah Takahashi. 16 years old. At isa naman akong half-Filipina, half-Japanese. Kilala ang Takahashi Family sa Japan, dahil ang buong pamilya namin ay isang yakuza. Si kuya Kohji, kuya Ace, kuya Gin, kuya Six at Seven, at si dad ay may kanya-kanyang mga grupo. Ito ang magulo't nakakatakot kong pamilya.

(Do you dare...) The Yakuza FlowerWhere stories live. Discover now