Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Kung maiinis ba ako dahil sa mga sinasabi nya, o ma-cucurious ako. Pero bigla syang nanahimik.
"Di ba kayo nagugutom?" biglang tanong ni Leo.
"Ah, oo nga. Mag-miryenda tayo. Hannah may landline ba kayo?" tanong ni Miles kay Hannah. Agad naman syang napansin nito at sinagot sya.
"Meron."
"Sige, mag-pizza tayo. Hannah, san yung landline." tumayo sina Hannah at Miles at umalis muna para magpa-order. Naiwan kami ni Leo, at bigla syang lumapit sakin.
"Dylan, may tanong ako sayo..." mahinang sabi nya. "Girlfriend mo ba si Hannah?" (O O)
"WHAT? No! Of course not."
"Weh, e bakit mo alam kung san sya nakatira, tas parang na-meet mo narin yung family nya. Nadinig ko pa kayo kaninang nag-uusap, at sa hula ko, di lang ito ang unang beses na nakapunta ka dito. May something ba kayo?"
"WALA. At isa pa, di naman porket madami akong alam tungkol sa kanya, may "something" na."
"E pano mo nalaman kung san sya nakatira?"
"Long story. Pag may time, ikukwento ko sayo. Pero walang "something" samin. At imposibleng mangyari yun. Never, Okay? Kaya zip mo yang bunganga mo."
"Okay, fine. Nagtatanong lang ako. Pero tama ka nga naman. Imposible nga na maging girlfriend mo sya, di naman sya ang tipo ng babae na magugustuhan mo. Ang creepy kaya nya."
"Di sya creepy, weird lang."
"Pinagtatanggol mo ata sya ah." biro ni Leo, pero di ko na sya sinagot. Pero, weird lang naman talaga si Hannah. Papalit-palit ng emotion, at parang ang dami nyang tinatago.
~Leo's POV~
Kanina pa talaga ako may napapansing kakaiba. Ayokong gumawa ng kwento pero parang may something sa dalawang 'to. Nakaka-curious naman. Kaya maingat ko nang tinanong si Dylan. Pero, kahit na sinagot nya na yung mga tanong ko, pakiramdam ko may kulang parin. May something ba talaga? Pero, impsible ng dahil di naman ganun yung mga tipo ni Dylan. At isa pa, sa pagkakaalam ko, may gusto parin sya kay Janine.
"Bro, last na tanong nalang." sabi ko kay Dylan.
