"Milady, nandito na po tayo." sabi ni Sebastian. Sumilip ako sa binatana ng kotse at nakita ko ang gate ng university.
"Sebastian, paki balik nalang ako sa bahay." sabi ko. Nawalan na ako ng ganang pumasok. Parang wala namang bagong mangyayari ngayong araw na 'to.
"Milady!? Baka pagalitan po ako ni Mr. Takahashi."
"Pake ko!?" hay, ano ba 'tong sinasabi ko. Nagulat tuloy si Sebastian sa sagot ko sa kanya. "Joke lang. Bababa na ako." sabi ko, tapos nun ay lumabas na ako ng kotse.
******************
Habang nagkaklase kami, ay patuloy parin ang bulungan nila tungkol sakin, at tinititigan parin nila ako. Pero, mas mabuti pa kung di ko nalang sila patulan at makinig nalang ako sa tinuturo nung prof namin.
"Ms. Hannah, maari ba kitang makausap sandali." biglang sabi ni Ms. Rivera. Agad naman akong tumayo at lumabas muna kami ng room para mag-usap. "Gusto ko lang sana malaman, bakit wala ka kahapon sa klase ko?" tanong nya.
"Umuwi po ako agad pagkatapos ng klase ni Sir Glenn."
"Pero bakit? Dahil ba sa bullying na ginagawa nila sayo?" bigla nalang akong natawa sa sinabi ni Ms. Rivera.
"Haha, ako? Binubully? Kelan pa!" sabi ko habang nakangiti. "Gusto mo ma'am, papuntahin ko dito si dad para kausapin yung mga bully na sinasabi mo?"
"A-ah, Hannah, nakakatakot ka naman. Hindi mo na kailangang papuntahin ang dad mo. Gusto ko lang naman malaman kung bakit ka umuwi agad kahapon." takot na sabi ni Ms. Rivera.
"Tinamad lang ako."
"Ah, kung ganun. May club ka na ba na na-salihan?"
"Club!?"
"Yes! Madaming magagandang clubs ang meron ngayon sa university. Kaya madami kang mapagpipilian. Magandang step din yun para magkaroon ka ng mga kaibigan." kaibigan!?
"I don't need those. It's just a waste of time."
"Pero ----"
"Can we go back na?" tsk. Naiinis talaga ako sa mga taong nangengeelam ng buhay ng may buhay!