Chapter 9

8 0 0
                                    

Pagkagising ko ay napaupo ako sa kama. Patayo na sana ako kaso bigla akong nakaramdam ng hilo at pananakit ng ulo. Nasa bahay na pala ako. Pero pano ako nakauwi? Ano bang nangyari kagabi...ang huli kong naaalala e kausap ko si Dylan.

"Hannah? Gising ka na ba?" tanong ni kuya Kohji habang kumakatok sa may pinto.

"Y-yes kuya." sabi ko. Nang sagutin ko sya ay bigla syang pumasok ng kwarto ko.

"We need to talk." sabi nya. Medyo kinabahan lang ako kasi parang seryoso sya. "Alam kong tumakas ka kagabi. At uminom ka pa." (O O) ha? Pano nya nalaman. "Kelan ka pa natutong uminom!? Pano kung napahamak ka? Buti nalang nandun si Dylan." teka, pati yun alam nya?

"Kuya, pano mo nalaman yan?"

"Hinatid ka lang naman ni Dylan. And also, he is a friend of mine." 

"Friend? How?" hinatid nya ako, at friend nya si kuya? Is this a joke?

"Basta. Ayoko nang maulit 'to. Promise me."

"Yes, kuya." pero kung alam na ni kuya Kohji, ibig sabihin ba alam na rin nila dad? "Kuya, si dad, alam ba ----"

"No. Ako lang nakakaalam, and don't worry, di ko sasabihin sa kanila, pero, hindi na 'to pwedeng maulit. Alam mo ba kung anong oras ka na nakauwi? 4 am."

"Sorry na. Promise di na mauulit."

"Okay. Maghilamos ka na't nakahanda na yung pagkain sa baba." palabas na sana sya ng pinto, pero sinabi pa sya. "Ah, masakit ba ulo mo?" tanong nya.

"Yes. Pano mo nalaman ----"

"Hangover yan. Uminom ka ng madaming tubig mamaya o kaya mag-kape ka, para mawala." at pagkatapos nun ay umalis na sya.

Grabe. Expert talaga si kuya Kohji pagdating sa mga inom-inom. Lahat alam nya. Pero di parin ako makapaniwala na magkakilala sila ni Dylan. Pano nangyari yun? At si Dylan, naaalala ko na ngang hinatid nya ako. Naaalala ko din, na nasabi ko sa kanya yung problema ko. Masyado kasi akong naging madaldal.

*************

(O__O)

"Oh, goodmorning." (O 0 O)

(Do you dare...) The Yakuza FlowerWhere stories live. Discover now