Chapter 1

6 0 0
                                    

"Hannah! Gising na!" (-_O)

"Dad?" 

"Get up, Hannah, baka ma-late ka sa school mo." (T.T) Whaaat? "Come on, Hannah."

"Wait." argh! Tinatamad ako. Di ba pwedeng bukas nalang?

"Hannah, do you want na si granny mo nalang ang gumising sayo?" (O_O)

"Eto na! Okay na! Gising na ako!" ayoko talaga yung joke ni dad tungkol kay lola. Nakakatakot.

Pagkabangon ko ay lumabas na rin si dad ng kwarto ko. Tapos nag-ayos na ako ng sarili ko. Nagsuot ako ng pantalon at simpleng t-shirt, tas rubber shoes. Ganito lang naman ako manamit. Di ako nagpapalda. At mas gusto ko nga ang pagsuot ng pantalon.

********

Pagbaba ko, ay nakita ko sila kuya at dad sa dinning room. Pero ang pinakanapansin ko ay si kuya Kohji na walang shirt. Bigla syang tumingin sakin at lumapit.

"Bunsoy, anong kalokohan yang suot mo?" sabi nya.

"Anong sinasabi mo? Eh ikaw nga nakahubad, At isa pa, ayus lang naman tong suot ko ah."

"Ang baduy kaya nyan, atleast si kuya Kohji, kahit nakahubad matcho padin at gwapo, e ikaw mukha kang ewan sa porma mo. Para kang di babae." biglang singit ni kuya Ace.

"Basta, mas okay naman sakin yung ganito."

"Hay, sige na nga. Bahala ka na, malaki ka naman na rin." buti naman at naisip yun ni kuya Kohji. "Alika na't kumain ka na." nang pagtalikod ni kuya Kohji ay bigla kong napansin yung bago nyang tattoo.

"Nagpadagdag ka nanaman ng tattoo?" 

"Ah, matagal na 'to. Lahat kami nagpa-tattoo ulit. Astig ba?" astig? Ang dumi kayang tignan. Halos buong katawan nila'y balot na balot ng tattoo. Lalo na si dad.

"Pero kahit na may tattoo kaming lahat ay di ka pa rin pwede." paalala ni dad.

"Eh! Ayaw ko naman din nyan eh. Di ako magpapatattoo noh." 

"Naks! Good girl ang little yakuza sister natin ah!" sabi ni kuya Gin habang ginugulo nya yung buhok ko.

(Do you dare...) The Yakuza FlowerWhere stories live. Discover now