Chapter 6

6 0 0
                                    

~Dylan's POV~

Habang naglalakad ako papunta sana sa library, nakasalubong ko si Kris na mukhang badtrip. Kay naisipan ko na kausapin at kamustahin muna sya.

"Kris, ayus ka lang?"

"*@^$*(^$^&*@^$^." (T.T) mukhang di sya ayus. Bigla nalang kasi syang nagmura. "Langyang babae!"

"Ano bang problema mo?"

"Kanina kasi, nakita ko si Hannah at sinubukan kong kausapin sya pero di nya ko pinansin. Kung di lang sya babae baka hinamon ko na sya ng suntukan." sabi nya sabay suntok ng malakas sa palad nya. Pero nakakainis nga naman talaga yung ginawa ni Hannah. 

"Bakit mo ba kasi naisipang kausapin si Hannah?" naisipan kong itanong, pero bigla syang natahimik nang sandali.

"Wala. Basta, pag-pwede ko nang sabihin, sasabihin ko agad sayo kung bakit. Sige, mauna na muna ako. Magkikita pa kami ni Janine." sabi nya at mabilis nang umalis.

Pero bakit kaya di nya pa sabihin sakin ng diretsyo kung ano yung dahilan, bakit nya kinausap bigla si Hannah. At para bang may tinatago sya. Di kaya gusto nya si Hannah? ............ De, imposible. Di naman ganun ang taste nya sa babae, at isa pa, girlfriend nya si Janine. Maliban nalang kung nagpapaka-chickboy sya, ulit. Hay, pero ano bang pakeelam ko. 

Pumunta na ako sa library at kinuha ko na yung libro na kailangan ko. Pagkatapos nun ay pumunta naman ako sa cafeteria at nagkataon naman na nandun sila Leo't Miles.

Nangpalapit na ako sa kinauupuan nila, napansin ko na parang umiiyak si Miles. At biglang tumayo si Leo sa kinauupuan nya't naiwan si Miles.

"Miles." sabi ko nung makalapit na ako kay Miles. 

"Oh, Dylan." bigla nyang pinunasan yung luha nya at ningitian nya ako. "Napadaan ka?"

"Ba't ka umiiyak? Nag-away ba kayo ni Leo?"

"Ha? Hinde ah! May nangyari lang. Pero di kami nag-aaway."

"Ah, akala ko nag-away kayo. Bigla kasi syang umalis habang umiiyak ka."

"Hahaha, kumuha lang sya ng tubig para sakin." sagot nya. Akala ko talaga nag-away sila, di naman pala.

(Do you dare...) The Yakuza FlowerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin