Paalis na sana ako papasok sa school kaso bigla akong tinawag ng tito ko.
"Dylan! Pakitulungan naman akong buhatin 'tong mga kahon bago ka umalis." sabi nya at agad ko naman syang pinuntahan at tinulungang magbuhat. "Hay, pasensya na, jiho. Ang tanda ko na kase kaya mahina na ako't di ko na kayang magbuhat ng mabibigat na gamit."
"Ayus lang yun, tito. Di naman halata sa itsura nyo na matanda ka na."
"Nambobola ka pa. Ayus na yan. Pumasok ka na, baka ma-late ka pa. At sya nga pala Dylan, wag mong kalimutang shift mo mamayang gabi ha."
"Yes, tito." at umalis na nga ako.
Ako nga pala si Dylan Gabres. 17 years old. At yung kanina kong kausap ay si Tito Noah. Simula nung umalis sila dad at mom, sya na ang nag-alaga sakin. Nagmemey-ari sya ng iilang sikat na bar. At kung minsan tinutulungan ko sya't nagtatrabaho ako sa bar nya.
Nagpapadala sila dad at mom ng pera pang-aral ko. Di kase sila makauwe dito dahil inaayos nila yung kumpanya namin sa New York. Kaya kay Tito Noah muna ako nag-iistay.
************
Pagkadating ko sa school ay may nakita akong magandang kotse sa harapan ng gate ng school. Mukhang pangmayaman yung kotse. Maya-maya lang ay may bumaba mula dun sa kotse. Nung una akala ko lalaki, dahil sa pantalon at malaking t-shirt, pero nakita ko na mahaba yung buhok kaya, naisip ko na baka babae sya. Baka.... ????
Pumasok na sya sa loob ng school, at pumasok na rin ako. Habang naglalakad ako papunta sa klase ko, ay nandun padin yung babae sa harap ko. Mukhang bagong estudyante sya kase ngayon ko lang sya nakita at parang may hinahanap sya. Kaya naisispan kong tulungan sya.
Tinuro ko sa kanya kung saan ang faculty room para makapagtanong sya sa mga teachers kung saan ang klase nya. Pagkatapos nun ay umalis na agad ako, dahil napansin ko ang oras at ayokong ma-late sa klase. Pero bigla kong nakasalubong sila Kris kasama ang iba pa naming mga kaibigan.
"Uy! Dylan!" sigaw ni Kris habang papalapit sya sakin.
"Kris, san ka pupunta? Di ka pa ba papasok sa klase?"
"Dylan, para ka nanamang professor. Alam mo naman na hawak ko ang oras ko. Kung gusto kong pumasok sa klase papasok ako, kung ayaw ko, edi hindi ako papasok."
"Okay, e san naman kayo gagala ngayon?"
