Chapter 4

9 0 0
                                    

~Dylan Gabres' POV~

Habang nag-uusap-usap kami magkakaibigan, nahalata ko na parang may bumabagabag kay Leo ---- isa sa mga malapit kong kaibigan. Kaya naman nilapitan ko sya at kinausap.

"Leo, ayus ka lang?"

"Nag-aalala kasi ako. Si Miles kase, muntik nang mapahamak kagabi." sagot nya. Si Miles ay girlfriend ni Leo. Kaibigan din sya nila Janine pero di na sya masyado nakakasama samin dahil inaasikaso nya yung club na tinayo nya.

"Ano daw ba ang nangyari?"

"Hindi ko nga alam eh. Tinext lang nya sakin kagabi. Di nya nakwento yung buong storya kasi nagpahinga sya agad. Kaya nga magkikita kami mamaya." halata kay Leo ang pag-aalala. 

"Sige, kung gusto mo samahan kita mamaya?"

"Sige. Salamat, Dylan ha." isang matinong lalaki si Leo. Sya ang pinaka-gentleman saming magkakaibigan. Kahit kailan ay hindi sya nanloko ng babae at naging tapat sya sa nararamdaman nya. Kaya naman, maswerte si Miles sa kanya, at maswerte din ako dahil may kaibigan ako na kagaya nya.

Pero, habang seryoso kaming nag-uusap ni Leo, ay biglang tumawa ng malakas ang mga kaibigan namin.

"Talaga! Pano mo nagawa yun?" tanong ni Janine sabay tawa.

"Nag-usap kasi sila ni Ms. Rivera, kaya habang wala sya, ginawa ko na yung plano namin." sagot naman ni Candy.

"Hahahaha! Buti nga sa kanya." sabi naman ni Yana. Lumapit kami ni Leo, para makisama sa usapan nila.

"Anong meron?" tanong ko kay Kris.

"Hahahaha, kinukwento ni Candy yung trip na ginawa nya kay Hannah kahapon. Grabe! Sobrang trip yun!" sagot ni Kris.

"Ano bang ginawa ni Candy?" tanong ko naman sa kanila.

"Teka, diba pareho kayo ng klase ni Candy?" nagtatakang tanong ni Janine.

"Di ako pumasok ng time ni Ms. Rivera, eh. Kinausap kasi ako ng isang prof sa faculty." sagot ko naman. "Oh so, ano ngang ginawa ni Candy?"

"Sinira ko yung bag nya. Ginupit ko tas sinira ko din yung zipper nung bag nya." sagot ni Candy. at tumawa ulit sila.

(Do you dare...) The Yakuza FlowerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora