Dylan's POV
"Kamusta na nga pala yung pinapagawa kong activity?" tanong ni Ms. Rivera sa buong klase. Lahat sila sumagot ng ''Okay naman'' maliban lang sakin.
''Yung sakin hindi okay. Wala pa ngang nasisimulan eh.'' sabi ko kay Ms. Rivera.
''Bakit naman? Dylan, alam mo naman na sa Monday na yan. At di pwedeng wala kayong ipasa sakin dahil major subject nyo ako. Kaya dapat mag-usap na kayo ng partner mo.''
''Eh, pano ko po kakausapin, ayaw nya ng ka-partner, tas absent pa sya ngayon.'' paliwanag ko.
''Gawan mo ng paraan.'' yung lang ang sinabi nya at umalis na sya.
Okay lang naman sakin kahit na sino ang maging partner ko. Kaso di ko na kasalanan kung yung partner ko e ayaw sakin. Tas absent pa sya.
***********Habang naglalakad ako, iniisip ko kung ano bang pwedeng gawing paraan para mapakiusapan ko si Hannah na pumayag, na maging partner ko. Di kasi pwede na ako lang ang gagawa nung activity dahil hindi yun tatanggapin ni Ms. Rivera.
''Lalim ng iniisip mo ah!'' biglang sulpot ni Kris habang inaakbayan ako. ''Ano bang iniisip mo --- ay este, sino?"
''Wala.''
''Sus, baka naman in-love ka lang, at di mo sinasabi o di naman kaya, may gusto kang chics pero natotorpe ka at kailangan mo ng tulong. Pero kung tama ako, pwede kitang tulungan and you will learn from the expert.'' ang yabang talaga kahit kailan.
''Galit at naiinis ako ngayon, at di ko lang yun pinapakita. Pero kung gusto mong makatulng, pwede kang mag-volunteer para maging punching-bag ko.''
''Wow, okay, chill ka lang. Binibiro lang naman kita.''
''Ano bang kailangan mo?''
''Grabe, mainit nga ulo mo.'' oo, naiinis na nga ako sayo at malapit na kitang layasan. ''May gusto lang kasi akong linawin.''
''Ano?"
''Wag kang magagalit ha.''
