Chapter 10

4 0 0
                                    

 Di man lang sya nag-thank you o kaya nag-sorry. Di ko naman sya inaway, at wala naman akong ginawang masama sa kanya, Nagpakita pa nga ako ng kabutihan sa kanya. Pero, di na rin pala ako dapat magtaka, pareho sila ng kuya nya. Nung una, suplado din yung lalaking yun, pero nung tumagal, biglang lumabas yung pagka-isip bata nya. Mas mature pa nga ata akong mag-isip kesa dun. Si Hannah din kaya ganun?

"Uy, ang lalim ng iniisip mo ah." biglang sabi ni Leo.

"A-a, wala. Nababagot lang ako." ang tagal na kasi naming naghihintay kay Hannah. Mag-iisang oras na.

"Sinabi mo ba talaga kay Hannah na may meeting tayo ngayon?"

"Yes, Miles. Sinabi ko sa kanya kahapon."

"Sinabi mo ba kung saan?"

"Ahh, yan hindi ko nasabi. Sabi mo kasi e-tetext mo ko kung saan, kaya hindi ko pa alam kung saan tayo mag-mimeet nung time na sinabi ko kay Hannah. Sinabi ko sa kanya na ibibigay ko sa kanya yung number mo pero tinanggihan nya ako. Kaya hinayaan ko nalang."

"Di mo man lang sya pinilit!?" teka, bakit ba parang lumalabas na ako yung may kasalanan kung bakit wala pa si Hannah? Eh sya naman 'tong tumanggi sa tulong ko. At bakit ko naman sya pipilitin? "Pano na, di tayo makakapag-start hangga't di tayo kompleto." sabi ni Miles.

"Miles, calm down." sabi ni Leo kay Miles. "Dylan, alam mo ba kung saan nakatira si Hannah?" (? ?)

"Pano ko naman malalaman kung san nakatira yun tsaka bakit sakin mo tinatanong yan?" well, alam ko naman talaga kung saan sya nakatira, pero tulad ng sinabi nya, di na ako pwedeng bumalik dun. Baka gantihan nya din ako dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Chill ka lang, bro. Naisip ko lang kasi, ba't di nalang natin sya sunduin sa bahay nila, or dun nalang tayo mag-meeting kung pwede."

"Bad idea yan bro. Kahit na malaki yung bahay nila Hannah, sure ako na di nya tayo papayagan na dun mag-meeting. At isa pa, nandun yung iba nyang kuya. Tas medyo malayo pa yun dito. Kaya tayo-tayo nalang muna yung mag-meeting." wala naman sigurong masama kung di sya makakasama sa una naming meeting, diba. Tutal, mukha namang hindi big deal sa kanya yung club na 'to. Napatingin ako kela Leo at Miles, at tahimik silang nakatingin sakin. "Bakit?" tanong ko sa dalawa.

"Alam mo kung san nakatira si Hannah?" tanong ulit ni Leo.

"Hindi nga! Di ko alam."

"Dylan, nadulas ka na, kanina pa." sabi naman ni Miles. "Magsabi ka nga ng totoo." (-_-)

(Do you dare...) The Yakuza FlowerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang