Chapter 8

9 0 0
                                    

Ilang oras nang nandito si Hannah, pero di parin sya napapagod sa pag-inom ng coke at ayaw nya paring umuwi. Nasa bahay daw kasi ang problema nya. Tinanong ko sya ulit kung ano bang problema nya, pero di nya sinabi sakin. Kaso, di ko alam kung anong pumasok sa isip ko, at pina-inom ko sya ng Jack Daniel's.

"Ano ba kasing problema?" tanong ko ulit sa kanya. Pero laking gulat ko nang bigla syang humagulgol ulit. "T-teka, wag kang umiyak. Huminahon ka."

"WAAAAAAHHH!!! Daddy!!!! Kuya!!!! WAAAAaaaahhh." 

"Shhhhh! Wag ka ngang umiyak ng parang bata! Pinagtitinginan tayo sa ginagawa mo." sabi ko sa kanya, at agad naman syang tumigil sa pag-hagulgol. "First time mo bang uminom?" tanong ko.

"O-oo..." (-_-) kaya naman pala ang bilis nyang nalasing. At para syang five years old na bata, dahil sa Jack Daniel's. Bad idea talaga, Dylan. "Sila kuya, si dad, nag-aaway-away sila." bigla naging seryoso yung tono ng boses nya, at umiyak ulit sya.

"Bakit sila nag-aaway?"

"Hindi ko alam. Ngayon ko lang sila nakitang mag-away-away ng ganun. Inaaway nila si dad, kahit na may cancer sya." (o_o) cancer!? "Bakit sila ganun!? Di na sila naawa! Pero, galit din ako kay dad, sa kanilang lahat! Di nila sinabi sakin na may sakit si dad. SINUNGALING sila!!!" galit na sabi nya habang umiiyak. 

Ngayon, alam ko na kung ano ang problema ni Hannah, kung bakit gusto nyang uminom, kung bakit ayaw nyang umuwi sa bahay nila. Pero nagsisisi ako. Dapat di ko nalang pala sya kinulit na sabihin nya sakin yung problema nya. Wala naman akong maiitulong sa kanya. Nakakaawa at nakakalungkot ang sitwasyon ni Hannah. Di ko akalain, na ang isang babaeng katulad nya, ay may kinahaharap na ganitong problema.

"Sorry, Hannah."

"Hm? Bakit ka nag-sosorry?"

"Akala ko kasi may mabibigay akong advice sayo, pero, wala pala."

"Tssss, Annoying MONKEY!!!" (-_-") "Bigyan mo nalang ako ulit ng Jack ----"

"TAMA NA! Mag-tubig ka naman." sabi ko sabay kuha dun sa baso nya, at binigyan ko sya ng tubig. Pero bigla nalang syang umiiyak ng parang bata.

"AYOKO NITO!!!!!" (-_-) Hayyy.

AFTER ONE HOUR ~~~~~

(Do you dare...) The Yakuza FlowerМесто, где живут истории. Откройте их для себя