"Isla, ito last na talaga."
"Bilis na, Grace. Malapit na time." Sino ba kasing nagsabi na dito niya tapusin ang project niya?
Well, may iba rin naman na dito din gumawa ng project kasi wala namang teachers na pumamasok ngayon since patapos na rin ang school year. Sadyang mas marami lang talagang hindi tinapos 'tong si Grace kaya eto, nahuli pa siya at sa kanya na lang ang kulang.
Dahil ako ang class president, ako ang naatasang mag-collect ng final outputs namin at ipasa sa teacher namin 'dun sa faculty. Ang arte rin eh, nang-uutos pa ng estudyante. Patapos na nga ang school year, binabaan pa ang deadline. Imbes araw, naging oras. Buti na lang talaga at ga-graduate na kami.
Our graduation is on the last friday of the month, three weeks from now. This week is allotted for compliances and graduation practice starts next week while the teachers are finalizing our grades.
Maaga nila gustong simulan ang practice para sa graduation march kasi hindi lang naman kami ang present sa event. Kasama rin sa ceremony namin ang magmo-moving up na grade 10 students at tsaka 'yung mga recognized honors sa preceding year levels.
"Ayan, tapos na! Love talaga kita, Isla! Mwah!" Hinalikan niya pa ako sa pisngi bago binigay ang output niya.
I bid farewell to my classmates as I exited the room to head to the faculty room. Nagpasama na rin ako kay Portia, ang class secretary, kasi hindi kinaya ng dalawa kong braso ang lahat ng outputs namin.
"Good day, teachers. May we ask for Miss Conception?" Agad tinuro ng mga guro kung saan ang desk ni Miss at lumapit kami para ibigay ang lahat ng papers namin.
"Thank you, girls. Again, clearances will be distributed tomorrow, and by next week you must complete the signatures." Paalala niya. Naalala ko tuloy ang panakot nila na hindi makapagpaso ang mga hindi nakapagkumpleto ng clearance.
"Yes, Miss." Nag-paalam na kami at agad na ring lumabas kasi mukhang busy ang mga teachers ngayon.
"I'll see you around, Isla." Pagpaalam sakin ni Portia kaya ngumiti ako at nag-wave na rin.
I didn't need to head back to the room since I left my bag in my locker. Lunch rin naman ang susunod kaya dumiresto na ako sa Starbs para hintayin sina Abby.
We're not classmate dahil iba't-ibang strands ang kinuha namin. Jamie and I took ABM since pareho kaming susunod sa business ng mga magulang namin. Ari took STEM kasi she'll pursue nursing daw. While Aileen and Abby took HUMSS 'cause Aileen will take up law, habang si Abby naman ay hindi pa sinasabi samin kung ano ang kukuhanin niyang program.
Ano nga ba ang kukunin niya?
"Isla." I looked at the person who called me and I immediately stood up to give them a hug.
"Tapos na kayo?" I asked them as we all sat down to wait for the others. Si Abby at Aileen lang naman ang pinagpala at naging classmates samin. Iba ang section namin ni Jamie habang si Ari naman ay nag-iisa lang sa STEM building.
"May final paper pa, pero payts lang." Ani Abby.
"Nakaka-antok, ikaw ba naman bigyan ng kagrupong puro dumbbell." Umirap si Aileen na siyang ikinatawa ni Abby.
"Swerte talaga ako sa kagrupo ko kung ganon!" Wika niya habang tumatawa pa rin.
"Saya ah?" Biglang dumating si Jamie at umupo sa tabi ko. I gave her a quick peck on the cheek before tellling her why Abby was laughing.
"I'm telling you! I will skin him alive!" Padabog na umupo si Ari sa tabi ni Abby habang nakasimangot. What happened to her?
"Why? What happened?"
BINABASA MO ANG
At Her 18th | ✓
RomanceA debut is a traditional Filipino coming-of-age celebration which celebrates a young woman's 18th birthday, the age of legality. Isla Nicole Damavie Hidalgo is one of the million teens who wish to reach their 18th birthday. To reach their legal age...